Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
PAGKATAPOS ng matagumpay na 35th Star Awards for Television, susunod namang ihahandog ng The Philippine Movie Press Club (PMPC) sa pakikipagtulungan ng FlexTV app ang virtual presentation ng 37th Star Awards for Movies na eksklusibong mapapanood sa Flex TV app sa Sabado, Pebrero 4, 2023, 7pm.
Sa pagkakataong ito, bibigyang pagkilala at parangal ng 37th Star Awards for Movies ang ipinakitang husay sa pagganap ng mga artista at galing ng mga nasa likod ng kamera at produksiyon upang mabuo ang isang makabuluhang pelikula sa gitna ng pandemya at maipalabas sa iba’t ibang uri ng platforms upang mapanood ng publiko.
Nakatakda ring igawad ang dalawang natatanging parangal. Una ay para sa beterano at respetadong aktor na si Ronaldo Valdez na pararangalan ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award, at ang ikalawa ay para sa internationally acclaimed director na si Brillante Mendoza na tatanggap ng Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award.
Hosted by seasoned and reliable host Paolo Bediones with Lara Morena, ang 37th Star Awards for Movies ay kinatatampukan din ng bonggang performances mula sa magagaling na OPM artists na kinabibilangan nina Ice Seguerra, Christian Bautista, at ang mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado sa isang natatanging duet. Si Peter Allan Mariano ang direktor ng virtual awards.
Masasaksihan ang mga kaganapan sa pamamagitan ng FlexTV app – ang bagong powerful social media platform at streaming app para sa Pinoy community na nagbibigay ng high-quality livestream entertainment, mga pelikula, balita, at vlogs. Inilunsad kamakailan lang sa Pilipinas, ang FlexTV app ay may worldwide coverage and global market kaya pati mga Pinoy na nasa ibang bansa kabilang ang Overseas Filipino Workers ay mapapanood kung sinu-sino sa mga nominadong mag-uuwi ng tropeyo mula sa PMPC.
Narito ang paraan kung paano mapapanood ang 37th Star Awards for Movies sa FlexTV app:
1. Download FlexTV app on your android playstore or IOS appstore (using gmail, FB, or Apple account ONLY).
2. Sign Up using Gmail, FB or Apple Account.
3. Click the LIVE BUTTON, look for the 37th STAR AWARDS for Movies, then you can start watching.
May pakulo rin ang FlexTV para sa “Search for FlexTV Star” na ang tatanghaling Grand Winner ay mananalo ng P500,000 cash prize. Ang exciting search na ito ay nagbibigay oportunidad sa netizens sa buong mundo para “i-flex” ang kanilang talent, creativity, personality, at content, upang tanghaling first-ever FlexTV Star.
Para sa kabuuang detalye tungkol sa Search, please visit the Official FB Page ng FlexTV — https://www.facebook.com/FlexTVOfficial
Nagpapasalamat ang pamunuan ng PMPC sa mga sponsor: Arca Bespoke, Mowelfund Institute, CreativeTech Productions, at FlexTV app.
Ang natatanging pagtatanghal na ito ay pangungunahan ng kasalukuyang pangulo ng PMPC na si Fernan de Guzman, kasama ang dating presidente na si Roldan Castro bilang over-all chairman para sa 37th Star Awards for Movies.