Advertisers
DINUKOT umano nitong Miyerkules, Hulyo 29, ng sampung armadong lkalalakihan si Mayeh Amatorio, isa sa mga suspek sa pagpatay sa kanyang kasintahang lady driver na si Jang Lucero sa Laguna noong nakaraang buwan.
Ayon kay Laguna Police Public Information Office chief, Lt.Col. Citadel Gaoiran, nasa 10 lalaki ang puwersa-hang kumuha kay Amatorio at sa isa pa niyang kaanak sa kanilang compound sa Bay, Laguna, Miyerkules ng tanghali.
“Based po sa report ng Bay, allegedly about mga 12:20 p.m. doon sa may Barangay Calo… ito pong si Adrian Ramos y Amatorio at si Meyah Amatorio ay diumano dinukot ng sampung mga kalalakihan,” ani Gaoiran.
Sinabi pa ni Gaoiran na ang mga kaanak ni Amatorio ang nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.
Bukod sa paghahanap ng mga nakasaksi sa pangyayari, naghahanap din ang mga awtoridad ng CCTV na maaaring makatulong sa kanilang imbestigasyon.
Sinabi rin ni Gaoiran na aalamin din nila kung may kinalaman sa kaso ni Lucero ang insidente.
“Tinitingnan po natin kung related ba ito o ano ‘yung motibo,” ani Gaoiran.
Kamakailan, hiniling ng mga kaanak ni Lucero sa National Bureau of Investigation (NBI) na isama sa imbestigasyon ng mga awtoridad si Amatorio.
Samantala, itinanggi ni Amatorio na may kinalaman siya sa krimen ng kaniyang kasintahan.
Naging suspek din sa krimen ang dating karelasyon ni Amatorio na si Ann Shiela Belarmino, pero kinalaunan aypinalaya ng piskalya dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
Matatandaan na nagtamo ng mahigit 50 saksak si Lucero sa loob ng kaniyang sasakyan na nakitang nakaparada sa Calamba, Laguna.
Nakita ang bangkay ng biktima ilang oras matapos si-yang magsakay ng tatlong pasahero para sa kaniyang sideline na paghahatid ng pasahero gamit ang kaniyang kotse.(PTF team)