Advertisers

Advertisers

Senior na di nakakatanggap ng SAP

0 347

Advertisers

Gud pm po. Ako po pala si Mauro D. Osio ng Malipay 3, Molino 4, Bacoor City, Cavite. Bakit po kaming 10 seniors na pina-fillup sa SAP forms 2nd tranche, ako lang ang hindi nakakatanggap ng SAP o ayuda? Sa totoo lang po, ako lang ang nagre-rent ng bahay d2 sa magkakasamang seniors. Ako kasi ang nagpa-receive ng sulat noong June 4 sa DILG kay Usec. Jonathan Malaya. Sana po matulungan nyo ako na makatanggap ng SAP. Pareho po kami ni misis nagme-maintenance. Salamat po. – Mauro D. Osio
(Editor: Kailangan mong dumulog muna sa inyong barangay chairman para mairekomenda ka sa DSWD na mag-i-interview sayo para mabigyan ng SAP. Ang problema, tapos na ang bigayan ng SAP)

Pag-iimbestiga ng pulis sa Angono
REPORT KO LANG SA ATING POLICE FILE. KUNG TAMA BA ANG GINAWANG PAG-IIMBESTIGA NG MGA IMBESTIGADOR NG ANGONO POLICE SA KASO NG AKING PAMANGKIN NA SI JENIFER BASCO, MAY ASAWA AT ANAK, NASA HUSTONG GULANG NA. PINAGTULUNGAN PALUIN NG KAHOY SA ULO NG MAGKAPATID NA KANYANG KAPITBAHAY. NAGTAMO NG MALAKING SUGAT SA ULO SA KANYANG BUNBUNAN AT PAGKABALI NG KAMAY. ISANG PAYO LANG MR EDITOR KUNG ANO ANG DAPAT GAWIN NG AKING PAMANGKIN PARA MAKAMIT NYA ANG HUSTISYA SA KANYANG SINAPIT. ANO ANG ADVICE NYO AY KANYA ITONG SUSUNDIN. – MATA NG LANSANGAN.
(Editor: Magpa-medical siya, tapos ireklamo sa barangay. Kung di magkasundo sa brgy sa tatlong hearing, bibigyan kayo ng brgy ng certificate to file action para makapag-demanda ka sa korte)