Advertisers

Advertisers

Tatum pasiklab sa panalo ng Celtics vs Nets

0 203

Advertisers

NAGPASIKLAB si Jayson Tatum ng 31 points kasama ang pitong three-point shots upang pamunuan ang opensiba ng NBA-leading na Celtics sa 139-96, pagdurog sa Brooklyn Nets.

Umiskor si Jaylen Brown ng 26 points tampok ang pitong 3-pointers para sa Boston (37-15) na naglista ng 49-point lead laban sa Brooklyn (31-20).

Nag-ambag si Robert Williams ng 16 points para sa Celtics.



Nagtala si Kyrie Irving ng 20 points kasunod ang 19 markers ni Cam Thomas para sa Nets na naglaro na wala sina Kevin Durant (sprained right knee), Ben Simmons (left knee soreness) at T.J. Warren (left shin contusion).

Sa Minneapolis, kumamada si D’Angelo Russell ng 29 points at may 27 markers si Anthony Edwards sa 119-114 overtime win ng Minnesota Timberwolves (28-26) sa nagdedepensang Golden State Warriors (26-25).

Sa Salt Lake City, nagsumite si Lauri Markkanen ng 28 points at 13 rebounds sa 131-128 paggupo ng Utah Jazz (27-26) sa Toronto Raptors (23-30).

Sa San Antonio, nagpasabog si Domantas Sabonis ng season-high na 34 points sa 119-109 panalo ng Sacramento Kings (29-21) sa Spurs (14-38).

Sa Memphis, kumolekta si Damian Lillard ng 42 points at 10 assists sa 122-112 pagpulutan ng Portland Trail Blazers (25-26) sa Grizzlies (32-19).



Sa Philadelphia, humakot si Joel Embiid ng 28 points at 11 rebounds at naglista si James Harden ng 26 points at 10 assists sa 105-94 pagdaig ng 76ers (33-17) sa Orlando Magic (20-32).