Advertisers
PATULOY ang pamamayagpag ni Pole vaulter EJ Obiena at tinapatan ang kanyang indoor rekord para sa bronze-medal finish sa prestiheyosong Mondo Classic 2023 sa Uppsala,Sweden Huwebes,Pebrero 2, Biyernes sa Manila.
Ang world No.3 Tokyo Olympian ay nalundag ang 5.91 meters sa kanyang ikatlong attempt para malagay sa third-place honors sa likuran ni world rekord holder at hometown bet Mondo Duplantis at American KC Lightfoot.
Obiena at Lightfoot ay nagtapos na may parehong rekord, pero ang Filipino ay may mataas na placing via countback.
Pinantayan ni Obiena ang kanyang performance sa Perche Elite Tour sa Rouen,France nakaraang taon.
Sinubukan nyang lundagin ang 6.00m ng dalawang beses at 6.05,pero hindi nagtagumpay.
Pangatlong podium finish ni Obiena sa kanyang ikatlong indoor tournament ngayong taon matapos ang gold-medal effort sa Perche En Or sa Roubaix, France at silver finish sa International Jump Meeting sa Cottbus, Germany nakaraang Linggo.
Samantala, Duplantis ay nagtala ng bagong rekord na 6.10m para sa gold medal.
Sinubukan ng Swedish star na malagpasan ang kanyang world rekord na 6.20mn na sinubukan ang 6.22 m. pero nabigo.