Advertisers
LeBron James scoring record countdown. Malapit na talaga ang pinaka-exciting part.
Naku 63 na puntos na lang ang kailangan ni LeBron James upang mapatalsik si Kareem Abdul Jabbar sa numero unong puwesto sa Most Number of Points sa NBA. Kaya yan sa dalawang game eka ng mga eksperto. Sinasabi ng maraming tagahanga ni King James ay nais nito baguhin ang kasaysayan sa harap mismo ng hometown crowd sa Crypto.com Arena. Sakto raw ito sa ika-8 ng Pebrero kontra sa Oklahoma City. Inaasahan na maka-W yan sa prangkisa ng mga Buss.
Kung mag-average si LBJ sa susunod na dalawang laban ng 32 pts kada laro ay yaka nga. Tiyak full house ang venue kahit umabot pa ng $75,000 ang pinakamahal na ticket. Siyempre history in the making yan. Hindi na yan marahil mabubura sa ating lifetime. Eka nga ng mga LeBron fanatics ay huwag na i-bash ng critics at i-enjoy na lang ang greatness ng may suot ng jersey #6 ng Lakers.
Ayon naman sa kasalukuyang nasa trono na si Jabbar ay nandoon siya sigurado sa moment na iyon upang i-cheer si James. Ooraw kahit si Wilt Chamberlain parang bitter sa pag-dislodge sa kanya ng dating si Lew Alcindor.
***
Allan Caidic, Samboy Lim, Hector Calma, Franz Pumaren, Yves Dignadice, Elmer Reyes, Alfie Almario, Tonichi Yturri, Jerry Codinera, Pido Jarencio, Benjie Gutierrez at naturalized players Jeff Moore, Dennis Still. Yan ang huling koponan natin na naghari sa pang-Asya na pa-torneo ng FIBA. Kasama sa Mythical Five sina Caidic The Triggerman at Lim The Skyalker.
National coach naman ang Amerikanong si Ron Jacobs. Kilala pa ito noon bilang Asian Basketball Confederation. Ngayon FIBA-Asia na at kabilang na Australia at New Zealand.
***
Wala pang opisyal na pahayag ang UST hinggil sa kanilang susunod na head coach matapos magbitiw si Bal David na naka isang taon lamang. Bago si David ay Jinno Manansala ang humawak sa Growling Tigers. Ngayon si Mananasala ang mentor ng Tiger Cubs. Matunog naman pangalan ni Pido Jarencio na bumalik sa bench ng mga taga-Espana Blvd. Siya nagdala sa USTe sa kampeonato nitong huli taong 2006.
Nang tanungin si Pido ilang porsyento niya mahirang ulit ng mga paring Dominkano. Pabirong sagot niya ay kasing pareho ng percentage niya sa tres. Sa Barangay Ginebra may 36% siyang average sa rainbow shot. Yun na.