Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
NGAYONG panahon ng pandemya, marami ang dumaranas ng lungkot at depresyon at tila bihira nang mapatawa nang husto ang tao.
Kaya nakatutuwang malaman na may isang producer sa katauhan na Ms. Romina Wilcox na sumugal para makapagbigay ng katatawanan, inspirasyon, pagmamahal at aral sa pamamagitan ng paggawa ng pelikula.
Ang Crazy In Love With You ay isang romantic-comedy movie na kinatatampukan ng Kapamilya stars na sina Claire Ruiz at Miko Raval kasama sina Ariella Arida, Mike Lloren, Tanya Gomez, MJ Cayabyab, Coleen Perez, Ara Altamira, John Arcenas, Irene Solevilla, Pantene Palanca at marami pang iba. Ito ay sa direksyon ni EJ Salcedo at mula sa panulat at produksyon ni Ms. Romina Wilcox.
Tsika nga ni Miko sa idinaos na presscon kamakailan, masaya anya siya sa paggawa ng Crazy In Love…dahil kahit may pinagdaraanan ang lahat ay saglit na makalilimot ng kanilang mga problema ‘pag napanuod na ang pelikula.
Nabanggit din ni Miko na tuloy pa rin daw ang kasal nila ng non-showbiz fiance sa Pebrero ng taong 2021.
Samantala, masaya naman si Ariella dahil ang pelikula raw na ito ang kanyang maituturing na unang major role. Ang last film pa raw ni Ariella ay ang Gandarrapiddo kasama sina Pia Wurtzbach at Vice Ganda last 2017.
Sey pa ng beauty queen-host-actress, positive anya ang dating ng Crazy In Love With You at excited siya sa pagdating nito at nagbibigay anya ang pelikula ng positivity ngayong may pandemya.
Kasama si Ariella sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN at ngayong sarado na ang network, umaasa anya ang dalaga na makapagtrabaho sa ibang network.
Napangiti naman si Ariella nang matanong tungkol sa kanyang lovelife. Happy raw ang kanyang puso ngayong pandemic.
Kaya panuorin ang Crazy In Love With You para magdulot ng good vibes sa madlang pipol. Ipalalabas na ito sa susunod na taon kaya abangan ang pagpapalabas nito sa mga paborito n’yong sinehan.