Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
KAYA namam pala hindi na aktibo sa showbiz ang beteranang aktres na si Caridad Sanchez ay dahil may dementia ito.
Mismong ang anak niyang si Cathy Sanchez Babao ang nagkuwento tungkol sa kundisyon ng ina sa exclusive interview sa kanya ng ABS-CBN news reporter na si Mario Dumaual noong Friday, October 2, na lumabas din sa Pep.ph.
Ayon kay Cathy, late 2015 nang ma-diagnose na may Dementia ang kanyang ina
Nananatili raw itong malakas physically, pero paulit-ulit ang mga sinasabi.
“It’s a long goodbye. Over time, you slowly lose the person. You just prepare for it,” sabi ni Cathy.
Nagpasya si Cathy na magkuwento tungkol sa Dementia ng ina para maging aware ang publiko sa ganitong klase ng sakit.
Sa pamamagitan ng isang mahabang post sa Facebook noong nakaraang buwan, nagkuwento si Cathy tungkol sa sitwasyon ng kanyang ina.
“Once upon a time, shortly after I had graduated from college, I asked her what her dream role was. “You know, ang gusto ko talagang role na i-portray, ‘yun bang matanda na malilimutin na, pero paminsan-minsan, may moment na nakakaalala pa siya. Kahit walang bayad, gagawin ko iyang role na iyan. The ironies of life. One must really be careful of what one wishes for. At this point, I don’t know whether I should be grateful that she’s now, unknowingly, portraying the dream role she had hoped for many years ago. Perhaps it will help in the coping, if I reframe things this way. Should I think of it as an answered prayer?”
Kawawa naman si Ms.Caridad Ang wish niya na gustong gampanan lang ay nangyari ngayon sa kanya sa totoong buhay. Ipagdasal natin na sana ay gumaling pa siya.
***
MAY bagong serye ang ABS-CBN mula sa kanilang unit na Star Creatives. Ito ay ang Init Sa Magdamag na bida sina Gerald Anderson, Yam Concepcion at JM de Guzman.
Sa serye ay gumaganap sina Yam.at JM bilang mag-asawa, na si Yam ay isang congresswoman.
Si Gerald naman ay isang doktor. Nasa Tanay, Rizal ngayon ang buong cast para sa kanilang lock-in taping.
“Very exciting story about love, family, values. Very blessed to be working again with great people,” sabi ni Gerald tungkol sa kanilang serye.
Anytime soon ay mapapanood na ang Init Sa Magdamag sa Kapamilya network.