Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
SERYOSONG Paolo Contis ang mapapanood sa 8-minute YouTube video niyang ‘Ang Pangarap Kong Soc. App.: A Social Media Toxicity Assessment Discourse.”
Espesyal kay Paolo ang online documentary na ito dahil isa rin itong personal advocacy para sa kanya. Pinapaalala niya rito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng respeto sa social media.
“May mga bagay na hindi mo kailangang sabihin or kung sabihin mo, dapat maayos kung gusto mong makuha ng tao,” paliwanag niya.
Samantala, nagsimula nang mapanood si Paolo kahapon, Lunes (October 5) sa second installment ng Kapuso drama anthology na ‘I Can See You: The Promise’ pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.
***
MASAYA si Myrtle Sarrosa dahil kahit may pandemya ay tuloy ang trabaho niya, tulad na lamang ng pagiging celebrity endorser niya ng Sisters Sanitary Napkin and Pantyliners na isa sa mga produkto ng Megasoft Hygienic Products, Inc. ni Ms. Aileen Choi-Go.
Maaring puntahan ang Facebook page nila na Sistersph for more info.
Isa pang bonggang achievement ni Myrtle ay ang pagkilala sa kanya bilang natatanging Pinay na pasok sa Top 100 Ragnarok Gamers sa Southeast Asia!
Ayon kay Myrtle ay hindi niya ito inaasahan.
“Sobrang honor siya kasi sa previous seasons, walang Filipino na nakapasok sa Top 100. Tapos ‘yung goal ko talaga for this season, kahit makapasok lang sa Top 600. Pero together with my teammates and other fellow Filipinos who played together with me, nakapasok kami sa Top 100,” pahayag ni Myrtle.
Ibinahagi rin ni Myrtle na minsan ay nakalaban niya sa Ragnarok si Asia’s Multimedia Star Alden Richards. Looking forward din siyang maka-collaborate ang aktor.
Kuwento ni Myrtle, “Sana maimbita ko siya to play with me. I actually played against him, sayang. I hope next time, we can play together naman. Nakakatuwa ‘yon, I mean he’s very good din sa video games ‘tsaka nakakatuwa rin ‘yung mga live stream niya, I hope we can collaborate.”
Kahit na abala bilang gamer, hindi pa rin mawawala sa puso ni Myrtle ang pagko-cosplay kung saan siya unang nakilala. Sa katunayan, naging guest ni Myrtle sa online show ng GMA Artist Center na Cool Hub ang cosplayers na nagwagi noon sa Gyeonggi International Cosplay Festival sa Bucheon, South Korea. Maaaring mapanood ang kanilang fun interview sa GMA Artist Center YouTube channel.