Advertisers
PATAY ang dating Mayor ng Flora, Apayao nang barilin ng hindi pa nakikilang gunman Martes ng gabi sa may bahagi ng Sampaguita St., Poblacion West, Flora.
Sa report ng PNP-CIDG, kinilala ang nasawi na si dating Mayor Richard De San Jose.
Ayon sa ulat, nakikipag-inuman ang biktima sa mga tauhan nito sa grill house nang sumulpot ang salarin na nakasuot ng camouflage at namaril gamit ang rifle 9:00 ng gabi.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang salarin.
Isinugod sa Flora District Hospital si De San Jose subali’t binawian ito ng buhay.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ng Apayao PNP sa krimen.(PTF team)