Advertisers
MAKAKATAMBAL ni Jaja Santiago si Shainah Joseph matapos lumagda sa Ageo Medics sa Japan V Premier League.
Matapos ang kanyang termino sa Sta Lucia sa Philippine Superliga Grand Prix na pinatigil ng global COVID-19 pandemic, ang Canadian spiker ay nag bakasakali sa Saitama-based squad.
Inanunsyo ng Ageo Medics na si Joseph ang kanilang pangalawang import, na makakatulong ni Santiago, na naglalaro sa ikatlong sunod na season sa club.
Ang dating PSL import ay dumating nitong Biyernes sa Saitama bago ang Ageo Medics 2020-2021 season debut laban sa Torray Arrows sa October 17.
Pinamunuan ni Joseph ang Lady Realtors sa dalawang panalo kontra PLDT at Marinerang Pilipina nakaraang Marso bago mag sara ang import-flavored conference.
Pinamunuan rin ni Joseph ang Sta Lucia sa runner-up finish sa four-team pre-season tournament sa PSL nakaraang Pebrero.