Advertisers

Advertisers

MASAKER!

Pinagbintangang magnanakaw, kinatay 3 miembro ng pamilya; salarin patay din

0 313

Advertisers

TATLO katao kabilang ang dalawang bata ang karumal-dumal na pinaslang sa Batuan, Masbate nitong Biyernes.
Kinilala ang salarin na si Gaspar Docto, 27-anyos, na pinagbintangan umano na magnanakaw.
Kinilala ang mga biktima na sina Luz Escote, 6; Reica Lumunsod, 7; at Hermie Sumagaysay, 30.
Sa report, bumili si Docto ng sigarilyo sa tindahan ng mga biktima at nakipag-inuman. Ilang saglit pa ay pinagbintangan daw ang salarin na kumuha ng wallet ng nanay ng isa sa mga biktima.
Umalis si Docto, pero nagbantang babalik. At nang bumalik, walang awa nitong pinatay ang mga biktima.
Matapos ang krimen, natagpuang patay rin ang salarin sa abandonadong kubo ‘di kalayuan sa tindahan ng mga biktima.
Hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng autopsya sa bangkay ni Docto.