Advertisers
NASAKOTE ng mga elemento ng Philippine National Police Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang tipster/spotter ng kidnap for ransom group sa isinagawang operasyon sa Pasig City.
Kinilala ang nadakip na si Jovito M. Villaran.
Inaresto si Villaran sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabs ni Hon. Anna Francesca M. Limbo, Presiding Judge ng RTC Branch 69, 4th Judicial Region, Binangonan, Rizal sa kasong Murder bandang 1:56 ng hapon nitong Linggo.
Sa report, tipster at spotter ang suspek ng grupo ni Ex-POI Maray KFRG na napatay sa engkwentro kasama ang 2 tauhan habang nakatakas ang apat sa Binangonan, Rizal noong July 4, 2020.
Sangkot din si Villaran sa robbery at kidnapping sa buong lalawigan ng Rizal at pangunahing suspek sa pagpatay sa isang Jesus Armoliga sa Brgy. Mal-can, Cardona, Rizal na pinugutan ng ulo noong July 2019.
(Mark Obleada)