Advertisers

Advertisers

Traslacion 2021 tuloy, tradisyon maiiba

0 247

Advertisers

KAHIT may pandemya ng covid-19, tuloy ang selebrasyon ng Traslacion 2021, pero hindi katulad ng nakagawiang tradisyon.
Ito ang inihayag ni Quiapo Church Parochial Vicar Fr. Douglas Badong kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng Kapistahan ng Quiapo.
Ayon kay Fr. Badong, maaring hindi matuloy ang tradisyunal na Traslacion, ngunit mayroon silang plano upang sa gayon ay matuloy parin ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Quiapo.
Isa sa naiisip ng pamunuan ng Quiapo ang pagsasagawa ng motorcade at ang ruta ay sa main road lamang kung papayagan sila ng IATF at kung matitiyak ng mga panatiko ang disiplina na sumunod at manatili lamang sa isang tabi habang dumadaan ang Nazareno upang mapanatili ang social distancing.
Paliwanag ni Fr. Badong, malaking pagbabago ang magaganap sa Traslacion 2021 dahil narin sa pandemya, lalo pa at nagdesisyon narin si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” na hindi papayagan ang dating pamamaraan ng pagdiriwang.
Ngunit ayon kay Fr. Badong, hindi ito nangangahulugang walang magaganap na paggunita.
Ayon sa pari, may mga paraan kung paano ipagdiriwang ang Kapistahan ng Quiapo at kung papaano ipagdiwang ay mayroon nang ilang mungkahi sa IATF kung papayagan o hindi.
Sakali namang payagan ng IATF ang motorcade kungsaan nasa sasakyan lamang ang Nazareno ay kanila namang paghahandaan ng mga “hijos” upang hindi ito dumugin ng mga deboto at sampahan tulad ng nangyari sa nagdaang mga prusisyon.
Sinabi rin ni Fr. Badong na malabo naring mangyari ang “pahalik” sa Luneta. Kaya gagawa sila ng alternatibo na maaring makalapit ang mga panatiko sa Nazareno ngunit hindi maaring makahalik at humawak.
Paiigtingin din ang misa ng hanggang 24 oras kung kakayanin ng Simbahan, sakaling hindi talaga payagan ang motorcade. Bukod dito, maglalagay ng stations sa palibot ng Quiapo at magkakaroon ng altar.
Maglalagay din ng screen upang mapanood ang misa sa Quiapo na hindi na kailangan dikit-dikit ang mga pananampalataya. (Jocelyn Domenden)