Advertisers

Advertisers

Brgy. Secretary todas sa pamamaril

0 327

Advertisers

TODAS ang isang opisyal ng barangay sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Mahdi Simpal, secretary ng Brgy. Malingao, Shariff Aguak, Maguindanao.
Ayon sa ulat, nagpaparada ang biktima ng kanyang sasakyan sa harap ng isang botika sa Brgy. Poblacion Shariff Aguak nang lapitan ng dalawang hindi kilalang lalaki at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng isang kulay itim na SUV na walang plaka.
Sa report, nagtamo ng tama ng bala si Simpal sa ulo at likod.
Blangko pa ang Shariff Aguak PNP sa motibo sa pamamaslang sa biktima. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa krimen.(PTF team)