Advertisers

Advertisers

Winning tandem nina Ai Ai at Direk Louie mapapanood sa ‘Litrato’

0 352

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

AFTER six years ay natuloy din ang isang passion project ni Direk Louie Ignacio, ito ang pelikulang Litrato na pagbibidahan ni Ai Ai delas Alas.
Sa unang pagkakataon, ang Comedy Queen ay gaganap na lola na may Alzheimer’s disease sa pelikulang ito ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo.
Mula sa panulat ni Direk Ralston Jover, tampok din dito sina Ara Mina, Quinn Carrillo, Bodjie Pascua, Duane David, at Rowan Diaz.
Ang pelikula ay ukol sa isang matandang babae na nasa care facility na may Alzheimer’s disease at madalas na nanghihingi ng mga litrato sa mga taong hindi niya kilala dahil wala sa kanyang dumadalaw. Magbabago ang buhay ni Lola Edna nang dumating sa buhay niya ang isang istriktong nurse.
Ang tandem nina Direk Louie at Ai-Ai ay laging nananalo ng awards sa iba’t ibang filmfests. Patunay nito ang pagiging critically acclaimed ng dalawa nilang pelikula, ang Area at School Service na ang huli ay nanalong Best Actress sa Cinemalaya si Ai Ai.
Sobra ang kagalakan ni Ai Ai sa tinuran ni Direk Louie na kung iba ang gaganap sa pelikula ay hindi niya ito gagawin.
Wika niya, “Parati kong sinasabi iyan sa kanya na, ‘Direk, thank you na parati kang naniniwala sa kakayahan ko, tulungan mo na lang ako na maitawid ko ito nang maganda. Kasi, kailangan ko ang tulong mo at lahat ng kagalingan mo ay ilabas mo rito.’
“And napakasuwerte namin pareho pagdating sa mga pelikula, kasi, siguro yung vibes ba at saka yung Feng shui. Suwerte kami parati kasi nananalo kami, nananalo iyong movie. So, praise God for that,” sambit pa ni Ai Ai.
Nabanggit naman ni Direk Louie ang kaunting patikim hinggil sa bago nilang movie ni Ai Ai.
“Ang Litrato ay isang drama na pelikula na noong inisip ko ito, itong konsepto na ito, walang iba akong inisip kundi si Ai Ai ang gumanap bilang Lola Edna.”
Esplika pa ni Direk Louie, “Sabi ko nga, nag-usap kami ni Nay Len (Carrillo), na kapag iba po ang gaganap, huwag na nating ituloy ang pelikula. Kaya, kay Ai Ai po talaga ito.
“Marami po kayong aabangan sa pelikula at grabe ang twist na mangyayari rito,” sambit pa ni Direk Louie.