Advertisers
MARIING hinamon ni Senador Risa Hontiveros si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpakitang gilas na sa mga Pilipino partikular na sa pagtupad nito sa kanyang mga naging pangako noong panahon ng kampanya.
Naniniwala si Hontiveros na posibleng makaapekto sa ipinundar na imahe noong halalan ng pangulo ang patuloy na pagtaas ng inflation, mataas na presyo ng pagkain, food security at mababang sahod.
Pahayag ng senadora, naka-kalahating taon na ang Presidente pero tuluy-tuloy pa rin ang pagtaas sa presyo ng mga pagkain sa bansa at hindi pa nakikita ng taumbayan ang pagpapababa sa presyo ng mga bilihin na isa sa mga campaign promises noon ni PBBM.
Giit ni Hontiveros, mayroon pa namang lima at kalahating taon ang administrasyong Marcos kaya sa unang quarter ng taong ito ay dapat na magpakita ng epektibong leadership ang pangulo at magandang resulta para sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
Kung tutuusin aniya ay wala sa isipan ng mga ordinaryong mamamayan ang isinusulong ng gobyerno na Maharlika Wealth Fund.