Advertisers

Advertisers

Bgy. chairman na nanapak ng MMDA enforcer kulong

0 179

Advertisers

INIREKLAMO ng tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang isang barangay chairman na nanapak sa clearing operation sa Tondo, Maynila nitong Martes ng umaga.

“Direct assault” ang inireklamo laban kay Punong Barangay Rommel Bravo ng Barangay 51 Zone 4, Dagupan Street, Tondo.

Kinilala ang nasapak na MMDA enforcer na si Anthony Medios, na inutusan tanggalin ang sagabal na vendo carwash.



Sa imbestigasyon ng MPD-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), 8:43 ng umaga nang magsagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng MMDA sa kahabaan ng Dagupan St.

Nang mamataan ang carwash sa tabi ng bangketa, sinita ito ng MMDA. Sumulpot si Bravo at sinuntok sa tagiliran ang isang MMDA Metro Aide 1 kaya nagkaroon ng komosyon.

Sa facebook post ni MMDA traffic chief Bong Nebrija, sinabi niya na nasa tabi ng barangay hall na nasa bangketa ang carwash.

“Kaso sa amin pa nagalit si Bravo at sinukitan pa ng suntok ang isang tropa namin,” ani Nebrija.

Ayon sa ulat, nakipagtalo pa si Bravo kay Nebrija.



Nagsumbong si Nebrija sa DILG sa nangyaring insidente.

Ayon sa MMDA, noong isang linggo nagpaabiso na sila na magkakaroon ng clearing operation sa kahabaan ng Dagupan Street, na ilang beses narin inoperate ng MMDA.

In-inquet na si Bravo nitong Miyerkoles sa Manila City Prosecutor’s Office. (Jocelyn Domenden)