Advertisers

Advertisers

MMDA BINUKING NG COA

0 522

Advertisers

Nagpasabog ng nakatutulig na bomba sa pinakahuli nitong report ang Commission On Audit (COA) laban sa isang tanggapan ng gobyerno patungkol sa mga kapabayaan nito at maling gawa at asal.

Tinumbok na COA ang hindi pagpaparehisto ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Land Transportation Office (LTO) ng mga behikulo nito na umaabot sa bilang na halos 400 at mga motorsiklong di bababa sa bilang na limampu (50) na ginagamit ng kanilang mga traffic enforcers at personnels.

Pinuna rin ng COA ang mga nabalam na proyekto ng MMDA na kinabibilangan ng mga foot bridges na di pa nauumpisahan gayong matagal na dapat itong tapos at dapat ay nagagamit na ng publiko.



May ilan pang binanggit ang COA sa delay naman ng iba pang proyekto ng MMDA na lagpas-lagpas ng sa date ng completion nito na nakasaad sa kontrata.

Ang COA report ay bumagabag sa maraming sektor ng lipunan partikular na sa hanay ng mga ordinaryong bus operators, drivers at commuters na nasaksihan kung gaano kahigpit magpatupad ng batas ang MMDA ngunit sa likod pala nito ay mismong COA pa ang nagbulgar ng mga paglabag nito sa mga simpleng panuntunan at regulasyon.

Bagama’t mabilis ang naging pagtugon at detalyeng pagsagot ni Assistant Secretary at MMDA Spokesperson Celine Pialago sa mga tinurang violations ng MMDA sa report ng COA, marami ang nadismaya at hindi ganap na naniwala sa mga paliwanag ng MMDA.

Una, iba kasi ang body language ni Maam Celine Pialago habang nagdedetalye sa media ng panig ng MMDA. Pangalawa, lumalabas na “too good to be true’ ang kanilang mga pahayag patungkol sa hinihiling nilang pagsunod ng publiko sa mga batas trapiko ngayon ngang nabuko na sila mismo pala ang lumalabas na mga law violators.

Napakasimpleng obligasyon ng isang ahensiya ng gobyerno na iparehistro sa LTO ang lahat ng kanilang ginagamit na service vehicles upang ipakita sa tao ang isang pamumunong malinis, tama at maayos.



Leadership and governance by example ika nga.

Makailang beses ba ipinakita sa social media at sa mainstream media nitong si MMDA traffic c’zar Col. Bong Nebrija na kuno’y nagpapatupad ng mga batas sa trapiko nang walang sini-sino, pinipili at kinikilingan?

Kahit mga kabaro nito sa law enforcement o maging mga mambabatas at mga pulitiko at media ay ipinapakita sa publikong hinuhuli at tinitikitan dahil sa mga violations ng mga ito patungkol sa trapiko.

Makailang beses din bang ipinagdiinan ni Col. Nebrija na kailangang sundin ng lahat “by the book” ang mga nakatadhanang traffic rules and regulations para magkaroon ng kaayusan ang malalang problema sa trapiko partikular na sa EDSA at sa ilan pang pangunahing lansangan dito sa Metro Manila?

Ang pagpapatupad ng disiplina para sa lahat!

Pero, “at the back of his head” pala ay alam na nito at batid ang nakakasukang paglabag mismo ng MMDA sa ipinagmamalaki nitong laws, rules and regulations sa trapiko na sadya at di alintanang nilalabag mismo ng kanilang tanggapan.

Di po ba napakalaking kaipokritohan nito?

Pagbabalatkayong nasa matuwid na daan ngunit kabalintunaan pala sa katotohanan.

Maaring nagawang magpaliwanag ng maganda at matalinong MMDA spokesperson na si Maam Celine Pialago ngunit the fact na may ganitong isyu pala ang MMDA na lingid sa kaalaman ng publiko na nabulgar nga sa ngayon, malaking imahe ng MMDA ang kung hindi man tuluyang namantsahan ay nagkaroon ng pagdududa.

Naging “TOO GOOD TO BE TRUE ” nga ba ang mga taga-MMDA.

Naging masyadong kampante nga ba ang kanilang mga PR specialists at na-overlooked ang aspetong ibinuking ng COA?

O sadyang itinago ito to maintain a good image ng kanilang ahensiya at ng mga high ranking officials nito?

Ang tanong lamang natin kay Maam Celine Pialago at sa iba pang opisyal ng MMDA, paano kung ma-involved sa aksidente ang mga service vehicles na ito ng MMDA, sorry na lamang ba ang magiging sagot sa mga biktima at maghahabol na lamang sa wala?

Sabi pa ng pa-cute na si Celine Pialago, wala silang mga sasakyang tumatakbo sa mga lansangan na hindi rehistrado!

Oh common, tell that to the marines.

Ang bata kapag nagsisinungaling, nakakatuwa, pero kapag ganyang matanda na ang naglulubid ng kasinungalingan, nakakasuka lalo na kung mula sa isang magandang babae nagmumula ang pagsisinungaling!

Ika nga sa kasabihang Pinoy, ang sinungaling ay kapatid ng MAGNANAKAW!

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com