Advertisers

Advertisers

EEI CORPORATION OFFICIALS, KASUHAN!

0 832

Advertisers

LUMALAKAS ang panawagan ng pamilya ng mga apektadong empleyado ng EEI Corporation, ang magkaroon ng malalim na pagsisiyasat kung bakit kailangan pang umabot sa 62 empleyado ng naturang kompanya ang nahawahan ng nakamamatay na COVID 19 na di naman karakang naaksyunan ng kaukulang opisyales ng kompanya, lalo na ng Safety, Health, Environment and Security department.

Mariing hiling naman ng mga nasabing pamilya na kasuhan si EEI Assistant Vice President for Safety, Health, Environment and Security Michael D. Arguelles sanhi ng kapabayaan ng departmento nito na makipag-ugnayan sa barangay, local government unit at local task force para maapula ang malawakang paglaganap ng COVID-19 sa EEI fabrication yards.

Dati ay may 700 empleyado ang nagsisipagtrabaho sa fabrication yards ng nasabing kompanya sa Brgy. Sta Maria at Brgy. Bolo sa bayan ng Bauan, ngunit nang nakaraang buwan ng Setyembre 2020 ay may 300 na lamang ang manggagawang nalabi roon sa takot na mahawahan din ng COVID-19.



Ayon sa LGU inilihim sa barangay, LGU at sa local task force ang pagkakaroon ng COVID positive sa yarda ng nasabing kompanya na unang nadiskubre noon pang September 19, 2020 dahil sa pagkakaroon ng walong empleyado na nagpositibo sa nakahahawang virus.

Nagkaroon ng komosyon sa kompanya sa takot ng mga empleyado na mahawa rin sa virus dahil sa paglalagay ng COVID isolation facility sa loob ng yarda kung saan magkakahalo naman ang COVID positive at yaong wala pang mga sakit.

Kinumpirma ni Bauan Municipal Admistrator, Atty. Ava Beatrice Jackquilene Talag na may malaking pagkukulang ang ilang EEI Corporation officials sa pagkalat ng COVID-19 sa kanilang yarda.

“Dumaan po ang ilang araw, wala po silang ginagawa at hindi po sila nakikipag-coordinate sa barangay at maging sa local task force. Supposedly nag-contact tracing po sila doon, malawakang contact tracing para masegregate kung sino yaong mga direct contact, ang nangyari po doon ay diretso pa din ang operasyon ng EEI.

Yong iba pong mangagawa pinili nang lumabas kahit mawawalan ng trabaho maging ligtas lang po ang kanilang kalusugan, mayroon naman pong iba na nanatili doon sa loob kasi natatakot din sila na magkaroon ng masamang record sa kompanya”, ang pahayag pa sa media ni Atty. Talag.



“Hindi po maitatwa ang kasalanan ng ilang EEI Corporation officials pagkat sa mismong bibig na ni Atty. Talag nagmula ang di pagtalima ng ilang mga opisyales ng kompanya sa umiiral na health protocols na ipinatutupad ng COVID-19 Inter-Agency Task Force (AITF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Kung may responsable at dapat po na managot dito ay ang Safety, Health, Environment and Security na pinamumunuan ni Arguelles, anang isang kapamilya ng COVID-19 positive.

Walang ligtas talaga si Arguelles sa ilalim ng doktrina ng “command reposibility” kung ang pagbabatayan ay ang ulat ng LGU. Ang Safety,Health, Environment and Security department ay maituturing na isa sa napaka-sensitibong opisina sa mga higanteng contruction firms tulad ng EEI Corporation.

Nakasalay ang buhay, kaligtasan ng mga opisyales, empleyado at ang bilyones na ari-arian ng EEI sa naturang departamento.

Ito ang watchdog ng kompanya at di maaring pumalpak sa kanyang tungkulin ang manungkulan dito tulad na lamang ni Arguelles na bagamat naturingan nga na National President ng Safety Practitioners of the Philippines ngunit tila wala namang muwang sa batas na inugit ng pamahalaan hinggil sa safety and health standard na dapat ipaiiral sa kanyang kompanya?

Kung ang pamilya ng COVID positive at iba pang ordinaryong manggagawa ng EEI Corporation ang tatanungin si Arguelles ay batik sa imahe ng kompanyang bahagi ng Yuchengco Group of Companies.

Hindi po tayo karakang maniniwala sa mga ulat na nakakarating sa apektadong pamilya ng EEI Corporation na napakalakas ng kapit ni Argulles sa ilang mga top brasses ng EEI Corporation.

Hindi ordinaryong paglabag sa company policy ang pinapasan ni Arguellles kaya hindi ito dapat pang pagtakpan.

“Napakalaki po ng responsilidad na dapat na sagutin ni Argullles”, ang may panlulumong pahayag ng mga magulang ng mga COVID positive na nakapanayam ng inyong lingkod.

Sa totoo lang hindi tayo naniniwala na maatim ng budhi ni EEI President and CEO Roberto Jose L. Castillo,na kunsintehin si Arguelles, masyado kasing malinaw na nagpabaya ito sa kanyang tungkulin, imposibleng hindi nakarating sa kanyang kaalaman sa una pa lamang na pagputok ng balita na may mga empleyadong nadiskubreng COVID-19 positive sa mga yarda ng EEI sa bayan ng Bauan, Batangas.

Mahihirapan na idepensa si Argulles ni Castillo lalo na nga at nagbabalak na mag-direct filing ng kaso sa prosecutors office ang ilan sa mga apektadong pamilya ng EEI employees laban kay Arguelles.

Hindi ipagpapalit ng tulad ni Castillo na napakataas ang pagkilala sa industriya ng ng EEI Corporation, sa katunayan ay tumanggap ito ng gawad ng pagkilala mula sa Corporate Governance Asia sa 7th Asia Excellence Award noong 2017.

Kaya salungat sa prinsipyo ni Castillo at ng EEI sa kabuuan kung di nito kakastiguhin ang mistulang kainutilanl ni Arguelles.

Nito lamang ilang araw ay nanawagan na ang apektadong pamilya kay PNP Chief for Administration at COVID Shield Task Force Commander Lt.Gen. Guillermo Eleazar na pamunuan ang imbestigasyon laban sa mga opisyales ng EEI at sampahan ng kaso ang mga ito lalong-lalo na si Arguelles. Abangan pa ang mga karugtong…

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.