Advertisers

Advertisers

Kagawad ninakawan na, pinatay pa sa loob ng bahay

0 374

Advertisers

PATAY ang isang barangay kagawad matapos siyang pasukin at pagsasaksakin ng magnanakaw sa kanyang bahay sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Harriet Serra, 60, kagawad ng Brgy. San Sebastian, Lagonoy.
Naaresto naman ang salarin na kinilalang si Ronel Gojo Cruz, 27, residente sa nasabing lugar.
Sa report, 12:15 ng madaling araw nitong Hulyo 26 nang pasukin ng salarin ang bahay ng biktima.
Ayon sa ulat, pagnanakaw lamang sana ang intensyon ng salarin, subali’t nagsisigaw ang biktima dahilan para pagsasaksakin ito.
May isang saksi na nakakita sa ginawa ni Cruz kaya agad siyang nadakip ng mga awtoridad.
Sinampahan na ng kasong Murder ang salarin.(PTF team)