Advertisers
Ni BKC
SERYOSONG Paolo Contis ang mapapanood sa 8-minute YouTube video niyang ‘Ang Pangarap Kong Soc. App.: A Social Media Toxicity Assessment Discourse.”
Espesyal kay Paolo ang online documentary na ito dahil isa rin itong personal advocacy para sa kanya. Pinapaalala niya rito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng respeto sa social media. “May mga bagay na hindi mo kailangang sabihin or kung sabihin mo, dapat maayos kung gusto mong makuha ng tao,” paliwanag niya.
Samantala, mapapanood na si Paolo ngayong Lunes (October 5) sa second installment ng Kapuso drama anthology na ‘I Can See You: The Promise’ pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.
***
Kyline Alcantarapi na-wow ang netizens sa bagong song cover
Maraming fans ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara ang napa-sing-along sa latest song cover niya ng “Chasing Cars” by Snow Patrol na ini-upload sa Instagram.
Parang paghahanda na rin daw ito ni Kyline sa pagbabalik-studio ng ‘All-Out Sundays.’ Bilib na bilib naman ang netizens sa kanilang napakinggan at inulan ng positive feedback ang nasabing post.
Sa ngayon ay nakaabang na rin ang mga tagahanga ni Kyline sa pagbabalik ng pinagbibidahan niyang teleserye na ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ sa GMA Afternoon Prime.
***
Ruru Madrid naninibago pa sa taping
Masaya man na back-to-work na ulit, aminado ang Kapuso actor na si Ruru Madrid na may adjustments pa sa kanya sa pagsalang sa taping ngayong “new normal.”
“Napakahirap, sa totoo lang,” kuwento ni Ruru sa GMANetwork.com. Kasi ngayon bago tayo magtrabaho o pumunta sa GMA o kaya ng studio, kailangan mo munang magpa-swab. Ang nakakatuwa sa GMA ay iniingatan nila tayong lahat. Bago magtrabaho, swab. Pagdating sa trabaho, kailangan social distancing.”
Dagdag pa ni Ruru, nami-miss na rin niya ang mga panahon na nakakapagkulitan pa sila ng co-stars niya sa set dahil ngayon ay strict ang social distancing na ipinatutupad sa kanila.
Napapanood si Ruru sa ‘All-Out Sundays’ tuwing Linggo, 12nn, sa GMA.