Advertisers
NAGPAKAMATAY ang 42-anyos na panadero gamit ang dalawang containers ng gasolina at idinamay ang bakery.
Sa ulat, nangyari ang insidente sa Barangay Calincamasan, San Juan, La Union.
Sa inisyal na imbestigasyon ng San Juan Police, nagwala ang biktima na hindi pinangalanan na bitbit ang dalawang containers ng gasolina. Pumasok ito sa panaderya at nakita na lamang na mga residente na nasusunog na ito kabilang ang katawan ng biktima.
Dinala pa ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.(PTF team)