Advertisers
ISANG mananaya ang nanalo ng mahigit P79 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 draw Huwebes ng gabi, Enero, 19, 2023.
Walang kahati sa P79,151,086.60 na premyo ang masuwerteng mananaya, na nakuha ang winning combination 17-19-31-13-47-34, batay sa resulta ng draw na makikita sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Wala namang nanalo sa kasabay nitong draw na Lotto 6/42, na may kabuuang premyo na P5,940,000.00. Ang lumabas na mga numero ay 23-05-29-01-31-11.