Advertisers

Advertisers

Kings wagi vs Lakers; 116-111

0 175

Advertisers

KUMAMADA si guard De’Aaron Fox ng 32 points upang pamunuan ang Sacramento Kings sa 116-111 wagi laban sa Lakers at iukit ang kanilang pang-limang sunod na tagumpay.

Nagtala si forward Harrison Barnes ng 20 points at may 18 markers si Kevin Huerter para sa Sacramento (25-18) na umakyat sa third place sa Western Conference.

Umiskor si LeBron James ng 32 points kasunod ang 19 markers ni Russell Westbrook sa panig ng Los Angeles (20-25) na nalasap ang ikaapat na kabiguan sa huling limang laro.



Hindi naglaro si center Domantas Sabonis para sa Kings na kinuha ang 114-111 bentahe mula sa dalawang free throws ni Richaun Harris, humakot ng season-high na 16 points at 11 rebounds, matapos makadikit ang Lakers sa 111-112 sa huling pitong segundo.

Sa Salt Lake City, nagsumite si Lauri Markkanen ng 34 points at 12 rebounds sa 126-103 dominasyon ng Utah Jazz (24-24) sa Los Angeles Clippers (23-24).

Sa Memphis, ang tip in ni center Steven Adams sa huling 16 segundo ang nagtakas sa 115-114 panalo ng Grizzlies (31-13) laban sa Cavaliers (28-18) para sa kanilang ika-11 sunod na panalo.