Advertisers
Ni BETH GELENA
SA Instagram ni Ina Raymundo, tinanong niya ang anak na si Erikà kung gusto nitong sumali sa Miss Universe.
“Ate @erikarae.p.com, can you pls join Miss Universe?”
Anyway, why not kung knows naman ni Ina ang kapasidad ng anak to be a beauty queen.
May nagreak sa post ng aktres, “If height doesn’t matter.”
Mukhang hindi kasi yata katangkaran ang anak ni Ina.
Sey naman ng isang netizen, “Para naman may purpose un pabikini ahahaha”
Mostly kasi sa photos ni Erika at lagi siyang nasa beach kaya bikini o di kaya ay swimsuit ang lahat ng kuha niyang larawan.
“The Miss U org would only see photos of her in bikini, with bf, tats, etc.”
Agad namang na-judge si Erika.
“No advocacy siya.”
“Need na ang ‘transformational leader’ sa new Miss Universe.”
“Di pwedi yung height nya correct me if I’m wrong”
“No height requirements”
“Gurl, she’s too short.”
“So was Gloria Diaz and look what that got her? Kung walang height requirement why not join dba”
“Ahmmm is she has advocacy na pangmalakasan? Anu idadaan na naman sa mukha at kasexyhan”
“Newsflash, hindi na po awrahan lang ang miss u.”
“matagal na akong nagagandahan at naseseksihan dito sa anak niyang toh… at may angst ha”
“Pwedeng contestant pero malabo mag place”
Kalokah din naman ang isang netizen sa komento niya, “Vivamax na lang siya”
“Halerr!! Sa mga bitter jan na avid fans ng beauty pageants KUNO. Diba po paulit ulit nilang sinasabi na the platform is for everyone, physical beauty doesn’t matter etc etc. kung makapintas kayo sa kanya haha ay sori mga Pinoy pala kayo charrrr”
Sabagay, wala namang mawawala kay Erika kung sumali siya sa Miss U
Bakit nga ba hindi niya i-try?
***
NADINE LUTANG PA RIN SA SUCCESS NG DELETER
Walang problema kay Nadine Lustre kung tawagin siyang Horror Queen.
Dahil sa namayagpag ang kanyang Deleter movie sa Metro Manila Film Festival, naagaw na raw ni Nadine ang korona kay Kris Aquino sa pelikula naman nitong Feng Shui noon.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang aktres na top-grosser ang horror film niyang Deleter sa katatapos na MMFF.
Lutang pa rin daw siya at ang cast ng pelikula dahil unexpected ang nangyari.
Aniya, “Hindi namin alam. Nakalutang pa rin kaming lahat until now kasi wala naman talaga siya sa plano, eh. Hindi pa rin talaga siya nagsi-sink in, kahit sa akin sobrang hindi pa siya nagsi-sink in na even until now ang dami pa ring nanonood.
“Ang dami ko pa ring nababasang tweets. Tapos nag-extend pa, so ano talaga ako, hindi talaga ako makapaniwala.
“I don’t want to break the momentum,” aniya pa.
Okay din kay Nadine na matawag na bagong Horror Queen pero may pakiusap siya.
“I guess for someone like who’s been in drama and romcoms for a while parang until now meron pa ring mga tao na hindi makapaniwalang nag-horror ako. Mahirap kasing umalis pag na-tag ka na sa isang genre o kapag naipit ka na sa isang genre.
“So habang maaaga pa, or habang hindi pa siya ganun ka-ano… okay naman sa akin na matawag na Horror Queen pero huwag naman sana akong ma-typecast,” pahayag ng MMFF best actress.
Previously, si Kris ang may hawak ng titulong Horror Queen dahil sa success ng pelikulang Feng Shui 2 na ipinalabas noong 2014 sa MMFF na kumita ng P235 million.
As of now, kumita na ang Deleter ng P240M and still counting dahil extended pa ang pelikula sa ilang sinehan.
Hindi masabi ni Nadine kung ano ang magiging impact sa kanya ng success ng Deleter sa career niya this year.
“Hindi ko pa po alam. Malalaman lang po natin yan kapag slowly na nag-unfold yung mga ganap this year. Hindi ko din po masabi.”
Sa ngayon masaya ang aktres sa boyfriend nitong si Christophe Bariou.
Aniya, happiness is really a choice. Kung gusto mong maging masaya, puwede raw yon pero kung gusto mong maging malungkot, hayaan mo lang din.