Advertisers

Advertisers

‘PADYAK BOY’ MULA LAGUNA KINUBRA ANG KALAHATI NG HIGIT P142M GRAND LOTTO JACKPOT; BABAE MULA CAVITE SOLONG NADALE ANG P23.9M SUPER LOTTO JACKPOT

0 116

Advertisers

ISANG 50-anyos na tricycle driver ang isa sa dalawang mananaya na mapalad na nanalo at maghahati sa mahigit P142 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 na binola Enero 7, 2023.

Sa inilabas na pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office, mula sa Calamba, Laguna ang naturang padyak boy, na kinubra na ang parte sa napanalunang premyo.

Sa naturang draw, 44-13-19-33-27-39 ang lumabas na winning combination, at paghahatian ng dalawang nanalo ang kabuuang premyo na P142,580,483.20.



Mahigit isang dekada na raw tumataya ng lotto ang naturang tricycle driver at minsan naring nanalo ng second prize matapos na makuha ang lima sa anim na numero.

Anang tricycle driver, gamitin niya ang napanalunan sa pagbili ng lupa, pagpapatayo ng mga apartment, private resort, iba pang negosyo, at para sa pag-aaral ng dalawang anak.

Sa hiwalay na pahayag ng PCSO, sinabi na isang babae mula sa General Trias, Cavite ang nanalo ng P23,971,499.60 sa Super Lotto draw noong December 22, 2022.

Ang mga lumabas na numero na 03-24-07-41-11-16 ay kombinasyon raw ng birthdate at edad ng kaniyang mga mahal sa buhay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">