Advertisers
MASUWERTENG nakaligtas sa kamatayan ang apat na pintor na nawalan ng malay nang ma-suffocate sa loob ng isang tangke ng tubig sa Rocka Village ll sa Barangay Tabang Plaridel, Bulacan.
Sa report ni Police Maj. Wendel Arinas, kinilala ang mga biktima na sina Reynaldo Trinidad, 57, ng Sabang Baliwag; DenDen Pineda, 34; Marjon Rovelo 24; at Merlito Parola, 29, mula sa bayan ng Calumpit.
Sa ulat, kasalukuyang nagpipintura ang apat nang makaramdam ng pagkahilo.
Kaagad naman dumating sa lugar ang MDRRMO Plaridel, at sa tulong ng mga expert ng Bulacan Rescue/566 naisalba ang buhay ng mga pintor.
Nabatid mula sa mga rescuer na ‘confined space suffocation’, ang dahilan kung bakit nawalan ng malay ang apat sa loob ng malaking tangke ng tubig. (Thony D. Arcenal)