Advertisers
PINADALHAN ng tatlong bulaklak ng patay ang tanggapan ng ABS-CBN sa Cagayan de Oro City noong Sabado matapos magsagawa ng noise barrage, candle lightning, at motorcade ang mga empleyado at tagahanga ng istasyon.
Nabatid ng mga guwardiya na ipinadala ito ng mga kawani ng isang flower shop na ipinapahatid umano nang hindi pa nakikilalang tao.
Mapapansing nakalagay sa mga korona ng patay ang mensaheng: “Ibalik ang ABS-CBN! Isulong ang digmaang bayan!”.
Maliban dito, makikita ang pangalan ng NUJP, NUPL, Akbayan, Kadamay, Iglesia Filipina Independiente, College Editors’ Guild of the Philippines, Bayan, at League of Filipino Students, na dating pinaparatangan na mga makakaliwang grupo.
Mariin naman itinanggi ng NUJP na sila ang nasa likod ng pagpapadala ng mga bulaklak ng patay. Tinawag din nila ang naturang insidente na bahagi ng serye ng “red tagging” sa Pilipinas.
Panawagan ng grupo sa pulisya, imbestigahan ang pangyayari na posibleng pananakot at pagbabanta sa mga tagasuporta ng Kapamilya network.
Matatandaan na Hulyo 10 ng taon nang tuluyang ‘patayin’ ng Mababang Kapulungan ang prangkisa ng ABS-CBN.(PTF team)