Advertisers
UNA sa lahat, pinasasalamatan ko ang executive officers at board of directors ng National Press Club, ang pinakamalaki at pinakamatandang samahan ng mga mamamahayag sa buong bansa, sa pagtalaga sa amin ni Jeane Lacorte ng Abante/Tonite bilang miembro ng ‘Interim Board’ ng club.
Nangyari ito dahil sa tatlong beses na pagkabigong makapagsagawa ng biennial election of officers gawa ng pandemya, ipinagbabawal ang mass gatherings. Kaya nagdesisyon ang board na magbuo nalang ng Interim Board. Bumaba si “Lakay” Gonzalo sa pagkapangulo at pinalitan siya ng dati niyang VP na si Paul Gutierrez ng People’s Tonight, umakyat naman si Tina Maralit ng Tribune bilang VP. Ang nabakanteng 2 slots ng Board of Director ay pinunuan namin ni Lacorte.
Ang inyong lingkod ay dati nang Director for 12 years. Bumaba tayo noon para bigyan-daan ang ibang miembro ng club na gusto rin magserbisyo sa organisasyon. And now I’m back at naatasang pamunuan ang komite ng House. Magiging caretaker po tayo ng gusali ng NPC. Hehehe… Mabuhay ang National Press Club…
***
Crystal clear ang fresh mandate na nakuha ni Speaker Alan Cayetano nang ibasura ng 184 kongresista ang kanyang inalok na pagbibitiw bilang lider ng kamara last week na tinindigan ni Deputy Speaker Neptali Gonzales, isang batikang solon sa nangyayari ngayong usapan na term-sharing sa kamara.
Pinuna rin ni Gonzales at ng iba pang kongresista ang ginawang pagsasalita ni Cong. Allan Velasco sa facebook sa halip na humarap at doon magsalita sa sesyon ng kamara.
Ani Gonzales, wala silang pakialam sa facebook statement ni Velasco. Hindi nila ito kikilalanin bilang opisyal na pahayag dahil di’ naman niya sa sesyon sinabi. Tama nga naman. Hindi tuloy malaman ngayon ng mga tao kung talagang gusto ni Velasco ma-ging speaker ng kamara o mag-speaker ng mga blogger. Natatakot ba siya na tanungin ng mga kapwa solon kaya ‘di siya sa sesyon nagsalita gaya ng ginawa ni Cayetano last week?
Talagang atat na atat na maging speaker si Velasco gayung kung tutuusin malabo pa sa dilim ng gabi na mangyari pa ito dahil nga ang super majority na mismo sa kamara ang nagdesisyon na tanggihan ang pagbibitiw ni Cayetano. Dagdag pa dito ang sinabi ni PRRD na “stay-out” siya sa speaker isyu sa kamara dahil ito ay purely internal matter sa pagitan ng mga kongresista at ginagalang niya ang nangyaring botohan nung Sept 30.
Nakakalimutan yata ni Velasco na kung halimbawang umayaw na si Cayetano bilang speaker, may mas marami pang magaga-ling, matatapang, at masisipag na mga kongresista kaysa kanya (Velasco) na mas may karapatan upang maging Speaker of the House. Ano ba ang nagawa niya para maghanda bilang lider ng kamara? Eh ‘yung mga kapwa solon niya na mismo ang nag-aakusa na siya ay absentee congressman at ni ‘di dumadalo sa pagdinig ng kanyang pinamumunuang Committee on Energy. May narinig ba tayo kay Velasco tungkol sa maiinit na isyu na bu-magabag sa bansa gaya ng COVID-19, Anti-terror Bill, PhilHealth issue, ABS-CBN franchise issue at iba pa. Waley!
Sa kanyang fb statement, tinawag ni Velasco ang kanyang sarili na isang “statesman”. Ayon sa webster dictionary, ang statesman ay isang ‘skilled, experienced and respected political leader or figure’. Walang ganitong requirements si Velasco.
Ang speakership issue ay isang numbers game. Period! Kung wala kang numero, ‘wag kang umasta na magiging lider ng kamara. Nakakalimutan na yata natin ang ‘separation of power’ ng ehekutibo at lehislatura. Paano magiging speaker ang isang kongresista kung ‘di naman siya suportado ng kapwa mambabatas? At bakit sa taumbayan humingi ng sori si Velasco sa sigalot ng kamara? Hindi naman siya national figure. Hindi rin siya speaker na matuturing na isang national opisyal. Well, pasueldo nga pala siya ng taumbayan. Sana sa mga nasasakupan niya sa Marinduque nag-sorry si Velasco. Dahil marami siyang kababayan doon na nagrereklamo na patay-sindi ang kanilang kur-yente kahit si Velasco ang chairman ng House Committee on Energy. Mismo!