Advertisers
TUNGHAYAN dapat ito ni Gng. Pangalawang Pangulo.
Mistulang isang headless chicken running berserk si VP Leni Robredo sa kanyang mga ginagawa lately na direktang pag-atake niya sa Pangulo ng bansa at gobyernong kanyang kinabibilangan pati na ang mala-SONA na talumpati niyang batikos ang tema na di dapat sa estado nito bilang Pangalawang Pangulo. Ito ay kagagawan at sulsol ng mga nakapaligid na gumagamit kay VP para sa pansariling interes nila at klarong hindi para sa bayan.
Kung anu- ano pa ang pinapagawa kay Vice Leni ng kanyang mga adviser at kahanay sa oposisyon upang tirahin ang Presidente pero lumalabas na siya ang ATAT na mapabagsak si PDigong at nang sa gayon ay siya ang hahalili na very unlikely sa isang bise presidenteng may delikadesa.
Ginawa siyang uto at pamato sa Malacañang pero sa halip ay sa kanya bumabalandra ang paninira at batikos nito. Sa totoo lang si VP ay may angking karisma na kanyang asset sana kung nagamit lang niya sa pamamagitan ng kanyang sariling bait at tunay na siya. Ang siste ay namamali siya ng political conviction. Nahanay siya sa partidong isinusuka ng mayorya dahil noong sila ang nakaupo sa poder ay napariwara ang bayan.
May katiting pang panahon para makabangon si Vice. Huwag makinig sa mga sulsoltant, huwag hayaang kamuhian ng Sambayanan. Ngayon ay namemeligro pati ang kanyang puwesto dahil sa electoral protest. May maitutulong ba ang mga nanggamit kay VP Leni? Isalba ang karera political hangga’t may oras pa. Do not sleep with real enemy. Hindi ito ill-advise, dear VICE!
Naalala ko tuloy ang isang bagong upong Senadora noon na nauto at ginatungan ng kanyang kapartido dahil matapang daw siya at kayang bakbakan ang Pangulo. Di na niya inatupag ang tungkulin bilang halal ng bayan dahil ang pokus niya ay banatan ang nasa Malacañang from day one. Pero umiba ang ihip ng hangin at nag-boomerang sa kanya ang paratang niya sa Pangulo gamit ang pribelehiyo sa plenaryo. Ngayon ay naghihimas ng rehas ang magaling sanang Mambabatas kundi inatupag ang maghanap ng butas ng Pangulong nagpapatupad ng batas para sa tunay na pagbabago at matiwasay na bukas.
Ngayon ay mag-isa siyang nagdurusa at ang mga taong umulot at nang-uto sa kanya ay kumukuyakoy lang at nabaling ang kanilang pokus nang pang-uuto at sulsol sa kanilang bagong laruan – ang BISE ng bayan ni Juan. Apat na taon na nilang binabakbakan ang nasa Malakanyang sa iba’t-ibang paraan pero lalo lang silang kinamumuhian at kinasusuklaman. Antayin nyo na lang ang 2022 halalan upang mapatunayan niyo kung may puwang pa kayo sa puso ng Sambayanan… ABANGAN!!!
LOWCUT:
Lumalawig pa ang M24 Canada.
Sa pagsisikap ni M24 ORGANIZER Dr. Chito Collantes (M24B1024) ay patuloy na dumarami pa ang mga nagiging miyembro ng naturang civic group na naglalayong makatulong para sa good governance dito sa Pilipinas. “Another leader has joined voluntarily with M24 Canada! Let’s all welcome Ms. Joy Santos, a businesswoman( wholesaler and retailer of rice and palay. She was also the Executive Secretary of former Congresswoman Magnolia Antonino of Nueva Ecija. Ms. Santos who was marked yesterday will be called commonly as Sis ‘ Red Violet’.Let us all welcome her to M24 Builders of Guardians Canada- Circle of Leaders!,” wika ni businessman/ civic leader/ sportsman Dr. Chito Collantes ng CWSS Immigration Services, Inc. Toronto & Manila. Siya rin ang team owner ng CWSS Flames basketball tea sa commercial leagues sa Canada at ‘Pinas. MABUHAY!