Advertisers

Advertisers

8 sugatan sa lindol sa Leyte

0 122

Advertisers

UMABOT sa walong residente ang napaulat na nasaktan at nagtamo ng minor injury sa tumamang magnitude 5.1 na lindol sa Leyte, Linggo ng gabi (Enero 15).

Tumama ang lindol 8:00 ng gabi at naitala ang sentro nito tatlong kilometro sa timog-silangan ng Leyte, Leyte.

Maliban sa napaulat na nasaktan, nagtamo rin ng pinsala ang ilang tirahan, simbahan at kalsada.



Nauna nang idineklara ni Leyte Mayor Arnold James Ysidoro ang suspensyon ng klase sa kanilang munisipalidad upang tiyaking ligtas ang mga paaralan sa mga pinsalang naidulot ng lindol.

Bumuo na rin ang alkalde ng grupo na binubuo ng mga tauhan mula sa Municipal Engineering Office, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Municipal Social Welfare and Development Office, Rural Health Unit, at lokal na pamahalaan upang busisiin ang structural integrity sa mga bahay at gusali sa bayan.

Nakiusap si Ysidoro sa mga residente na hintayin muna ang go-signal mula sa inspection team bago bumalik sa kani-kanilang mga tirahan.