Advertisers

Advertisers

Bgy. kagawad niratrat-patay sa labas ng bahay

0 142

Advertisers

NASAWI ang isang barangay kagawad nang pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang salarin sa Sitio Banban, Barangay Guba, Vallehermoso, Negros Oriental, Sabado ng gabi.

Kinilala ng Vallehermoso Police ang biktima na si Cerilo Balasabas.

Ayon sa imbestigasyon, nasa labas ng kanilang bahay ang biktima kasama ang kanyang asawa nang dumating ang mga salarin.



Kinausap ng isa sa mga ito ang maybahay at pinapasok ang ginang sa loob ng bahay.

Doon na pinagbabaril ng mga salarin ang kagawad gamit ang maiksi at mahahabang kalibre ng armas.

Nagtamo ito ng tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan at hindi na naisugod pa sa ospital.

Mabilis din na umalis ang mga salari.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">