Advertisers
Bahagi ng sistemang DEMOCRATIC GOVERNMENT ay idinadaan sa halalan ng buong sambayanan sa mga opisyal na iluluklok sa matataas na posisyon sa GOBYERNO.., subalit, ang mga wais na POLITICIANS ay gumagamit ng mga pandaraya tulad ng mga NUISANCE CANDIDATE upang madaig ang katunggaling politiko gaya sa nangyari sa ZAMBOANGA.
Ang gayong sistema ng NUISANCE CANDIDATE ay tila binaboy o SINABOTAHE ang haliging patunay ng malusog na demokrasya…, na ang mga karapat-dapat ay natatalo bunsod sa kawalan ng sapat na perang pantustos sa kampanya o di naman kaya’y dahil sa maruming pulitika.
Tulad na lamang sa kinahinatnan ni ZAMBOANGA REPRESENTATIVE ROMEO JALOSJOS JR. na wagi sa opisyal na resulta ng bilangan.., subalit hindi pinayagang umupo bilang kinatawan ng distritong kanyang kinalakihan.
Ang puno’t dulo ng aberyang nag-iwan sa ZAMBOANGA 1st CONGRESSIONAL DISTRICT na walang kinatawan sa KAMARA.., dahil sa resulta ng isang ‘PANGGULO’ o NUISSANCE sa pangalang FREDERICO JALOSJOS na kumandidato at pinaniniwalaang pakawala ng kabilang kampo.
Ang totoo niyan mga ka-ARYA ay hindi na bago ang pagsasalang ng mga ka-apelyido ng kalabang pulitiko.., at yaan ay para sa mga pwesto sa lokal o nasyonal,
Katunayan maging si PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR nang maghain ng kandidatura noong October 2021 ay may ka-apilyedong tulad niya na target at masungkit ang trono sa MALACAÑANG.
Kaya naman ang solusyon ay dapat na magkaroon ng isang batas para sa mas maagang paghahain ng CERTIFICATE OF CANDIDACY (COC) sa mga naghahangad ng pwesto sa gobyerno.
Bakit nga ba kailangan ang mas maaga ang filing ng COC? Ito ay para magkaroon ng sapat na panahon (at walang extension) ang COMMISSION ON ELECTIONS (COMELEC) na suriin ang mga aspirante.., kasi nga po ay karaniwan na ang pagsali ng mga panggulo.., na ang taguri ng COMELEC sa ganitong mga panggulong kandidato ay NUISANCE CANDIDATE.
Ang mga panggulong kandidato ay sadyang panggulo kapag ang nagwagi ay kapangalan ng NUISANCE CANDIDATE tulad sa ZAMBOANGA at dahil walang kinatawan sa KONGRESO ang mga taga-ZAMBOANGA ngayon e pawang NGANGA na muna dahil sa direktiba ng SUPREME COURT..
Kung mayroon lang sanang batas na nagbibigay lang ng 45 araw sa COMELEC para resolbahin ang gusot na dulot ng mga NUISANCE CANDIDATES ay hindi na sana aabot pa sa ganitong tagpo ang mga residenteng wala pang kinatawan hanggang ngayon sa ating KONGRESO.
Ika nga.., hindi na dapat pang masama sa balota ang pangalan ng mga NUISANCE CANDIDATES na ang diskarte lang naman ay maka-collect.
Kung wala na ang pangalan ng mga ‘panggulo’ sa balota, hindi na malilito ang mga botante.., syempre pa e mananaig ang totoong kursunada ng mga tao.., at hindi ang estilong bulok ng mga talunan na gumastos ng husto para makumbinsi ang ka-apelyido ng kalaban na maghain din ng kandidatura!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.