Advertisers

Advertisers

Rhenz Abando kampeon sa KBL All-Star Slam Dunk contest

0 159

Advertisers

NANGIBABAW si Rhenz Abando sa ginanap na Slam Dunk Contest ng 2023 KBL All-Star, Linggo sa Suwon KT Arena.

Ang dating NCAA Most Valuable Player, na ngayon ay naglalaro sa Anyang KGC, nakakuha ng perfect scores mula sa judges para sa kanyang dalawang dunks.

Pinahanga nya ang crowd sa two-handed 360 slam at nagsagawa ng two-handed baseline dunk off mula sa pasa ni RJ Abarrientos.



Sa second round, muling pinahanga ni Abando ang manonoud sa pamamagitan ng reverse between-the-legs dunk bago ang one-handed windmill slam.

Dinaig ni Abando sina Suwon KT SonicaBoom’s Ha Yun-gi (90 points) Ulsan Hyundai Mobis Ohoebus Choi Jin-soo (89), at Goyang Carrot jumpers’Park Jin-cheol (87) para ibulsa ang cash prize na nagkahalaga ng KRW2-million (88.7K)

Samantala, hindi pinalad si Abarrientos sa final round ng Three-Point Shootout. Ang Ulsan Hyundai Mobis Phoebus gunner ay nagtapos ng 13 points sa first phase ng competition,na pinagharian ni Heo Ung ng Jeonju KCC Egis.

Ang dating FEU star ang nagiisang Filipino import na naglaro sa All-Star Game,na umiskor ng 3 points. Abarrientos at Team Heo Ung ay natalo sa Team Lee Dae-sung 122-117,Linggo.

Sunwon KT SonicaBoom’s Ha Yun-gi ang tinanghal na All-Star MVP matapos magtala ng 28 points at nine rebounds pra sa Team Lee Dae-sung.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">