Lapit na kasi maging dad… Winwyn type makita ang ex-labs na si Mark; Willie kabog kay Idol Raffy sa paramihan ng subscribers
Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
AS of now ay 28 million na ang total followers ni Idol Raffy Tulfo sa YouTube at Facebook. Ang subscribers niya sa YouTube ay 15 million at 11 million naman sa kanyang Facebook page. Maging si Willie Revillame ay walang binatbat kay Raffy kung paramihan ng subscribers ang pag-uusapan.
Sa mga hindi nakakaalam ay dollars ang payment sa YouTube. Mantakin mo kung ganyan karami ang followers mo, malaking halaga ang natatanggap ni Sir Raffy Tulfo.
Pero ayon kay Sir Raffy, malaking parte ng natatanggap niyang income ay isini-share rin niya sa mga nangangailangan ng tulong.
Hindi naman niya itinanggi na malaking tulong at napakikinabangan din niya ang natatanggap na grasya.
Samantalang simula sa October 5 ay makakasama na si Sir Raffy sa bagong news program ng TV 5 na Frontline Pilipinas nina Cheryl Cosim, Luchi Cruz-Valdez, Ed Lingao at Lourd De Veyra.
Mantakin mo kung sumunod din ang mga followers ni Sir Raffy sa bagong news program ng Kapatid Network ay siguradong napakalaking tulong nito para sa rating ng show na sabi ay iba raw ang format dahil iba raw ang gagawin nilang atake sa bawat kuwento na maiintindihan ng mga manonood.
***
SINABI ni Winwyn Marquez sa isang interview na hindi pa sila nagkikita o nakakapag-usap ng ex-boyfriend niyang si Mark Herras. Kung naging maayos ba ang naging break-up o bad break-up ang nangyari sa kanila.
Ayon sa beauty queen actress ay hindi pa sila nagkikita o nagkakasalubong man lang sa pasilyo ng GMA Network. Pero nakarating na kay Winwyn na buntis na ang live-in partner ni Mark na si Nicole Donesa. Ano ang masasabi o reaction niya rito?
“Oo, nga at magkaka-baby na sila, magkakaroon na siya ng pamilya. I`m very happy for him…I`m very happy for them dahil may family na sila ni Nicole. Hindi pa kami nakakapag-usap ni Mark, no chance for us to talk, gusto ko silang makita to congratulate them,” say ni Winwyn.
Kung ang status naman niya ang tatanungin, “single, but happy. Nag-e-enjoy ako mag-isa at na-realize kong okey lang mag-isa. Ayaw ko naman ng ligawan sa Zoom at Facetime dahil bawal pa nga ang lumalabas-labas,” say pa ni Winwyn.
Samantalang mapapanood na muli si Winwyn sa I Can See You na may pamagat na High Rise Lovers kasama sina Lovi Poe at Tom Rodriquez.