Advertisers

Advertisers

Higit 100 opisyal ng PNP ‘di pa nagre-resign

0 136

Advertisers

MAHIGIT 100 generals at colonels ang hindi pa nakakapagsumite ng kanilang “courtesy resignation”.

Ito ang inihayag ni Interior Secretary Benhur Abalos, Jr., kungsaan sa kabuoang 956 high-ranking officials ng Philippine National Police (PNP), mayroon pang 113 opisyal ang hindi pa nakakapag-file.

Ayon kay Abalos, hinihintay pa nila ang tugon ng mga pulis partikular na ang mga nakatalaga sa Visayas at Mindanao hinggil sa mga sangkot sa illegal drug trade.



Sinabi ng kalihim na kanilang lilinisin ang “ninja cops” sa hanay ng PNP dahil kabilang sa mga nasasangkot ang mga opisyal na may mataas na puwesto.

Nabatid na ang mga isinumiteng courtesy resignation ay sasalain ng 5-man committee, na magsusumite naman ng rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para desisyunan kung tuluyang sisibakin sa serbisyo ang sinumang mapapatunayang sangkot sa iligal na droga.