Advertisers

Advertisers

Mayor Vico pinasara ang ‘dugyot’ na KFC branch

0 167

Advertisers

IPINASARA ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang isang KFC branch sa Pasig City nang malaman ang pagiging madumi nito at kawalan ng Environmental Permit to Operate.

Ibinahagi ni Sotto sa social media ang makapal na sebo sa nasabing kainan.
Posible naman, aniya, itong magbukas muli kapag may EPO na.

“Pinasara ng LGU ang KFC Kapasigan nitong Biyernes ng umaga. Grabe ‘yung kapal ng sebo, waste water nila diretso sa Parian Creek. Wala rin Environmental Permit to Operate. Maaari silang magbukas ulit kapag may EPO na. I love KFC, but I share this as a warning to other establishments. #FollowDLaw”



Nagbigay naman ng komento si Senador Win Gatchalian hinggil sa nasabing larawan.

“This is terrible especially from a known brand. Masisira KFC sa ganyan.”