Advertisers

Advertisers

‘Controlled delivery’ na naman ng PNP-DEG at NAIA-IADITG

0 177

Advertisers

ISANG controlled delivery operation na naman ang ginawa ng mga operatiba ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) at Ninoy Aquino International Airport-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa isang subdivision sa Barangay Almanza Dos, Las Pinas City.

Binitbit ng mga operatiba ang tumanggap ng package, na naglalaman kuno ng halos 14 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng halos P90 million, na si Jolle Ann Cuer, 25 anyos, ng Barangay Almanza Dos.

Nagmula raw ang package sa isang Michael Olanrewaju ng Nigeria.



Kung ang pag-arestong ito kay Cuer ay katulad lang din ng proseso ng pagdakip sa anak ni Justice Secretary “Boying” Remulla na si Juanito Jose lll, baka mabasura lang din ng korte ng Las Pinas ang kaso.

Si Juanito Remulla lll ay pinawalang-sala ng korte ng Las Pinas dahil sa rason ng “chain of custody”. Hindi raw sinunod ng mga operatiba ang nire-require ng batas na proseso ng pag-aresto sa isang suspek tulad ng presensiya ng kinatawan ng taga-Department of Justice, Barangay official(s) at media. At wala naman raw kasing ini-expect na package ang batang Remulla. Kaduda-duda raw ang ginawa ng mga operatiba.

Basta lang kasi dinileber ng mga operatiba ng PDEA at NAIA-IADITG ang package na nakapangalan kay “Jose Juanito Remulla” mula Estados Unidos nang walang kinatawan ng DoJ, barangay at media. Ang laman ng package ay high-grade marijuana (Kush) na nagkakahalaga ng mahigit P1 milyon.

Pero dahil sa absence ng mga kinatawan ng DoJ, barangay at media, nabasura ang kaso. Pinalaya si Juanito Remulla lll, na nakulong at nilitis lamang ng tatlong buwan.

Well, abangan natin kung ano ang magiging desisyon ng korte ng Las Pinas City sa kasong ito ni Cuer. Kung mapapawalang-sala rin ba siya tulad ni Juanito lll o ma-convict? Subaybayan!



***

Inaabangan ngayon ng marami ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa petisyon ni Comelec lawyer Romy Macalintal tungkol sa kapangyarihan ng Kongreso na madalas na pagpaliban sa halalan ng Barangay at Sangguniang Kabataan.

Sinabi ng Korte Suprema bago matapos ang 2022 na priority nila ngayong 2023 ang isyu sa pagpaliban sa BSKE.

Kaya naman ang Comelec ay nagbukas ng voter’s registration simula Disyembre 2022 at matatapos ngayong Enero 31. Pati mga person deprived of liberty (PDL) ay pinayagan narin magparehistro.

‘Pag pumabor ang kataas-taasang hukuman sa petition ni Macalintal, gusto ng Comelec na sa Mayo ganapin ang BSKE.

***

Tinawag ni Senadora Cynthia Villar ang Department of Agriculture na “Department of Importation”.

Bukambibig na kasi ngayon ng DA ang mag-import kesa gumawa ng paraan kung paano matulungan ang ating mga magsasaka. Mantakin mo nga naman pati binhi ng mais ay gusto pang i-import, samantalang napakalaki ng budget ng ahensiya para sa paggawa ng mga binhi na ipamamahagi sa mga magsasaka! Malaki kasi ang kickback nila sa importation. Boom!!!