Advertisers

Advertisers

2 truck driver bulagta sa hitman

0 162

Advertisers

Patay ang dalawang truck driver nang targetin at barilin ng hindi pa kilalang salarin ang isa sa mga ito habang napatay naman sa ligaw na bala ang isa pa nang saktong napadaan sa kahabaan ng Maharlika Highway sakop ng bayan ng Sipocot, Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Kervie Amardecer, 40 anyos, residente ng Cagayan De Oro City; at Saturnino Cruz Jr., 32, residente ng Barangay Batong Paluway, San Andres, Catanduanes.

Sa ulat ni Police Lt. Col. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, naganap ang insidente 8:46 ng gabi sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Sitio Lagatic, Barangay Taisan, Sipocot.



Kasalukuyan umanong namamahinga si Amardecer sa loob ng kanyang Mitsubishi Fuso ten-wheeler truck habang nakaparada sa may kadilimang bahagi ng kalsada nang lapitan ito ng hindi pa tiyak na bilang ng salarin at pagbabarilin. Agad namatay si Amardecer.

Habang binabaril si Amardecer, eksaktong napadaan ang Isuzu Elf trak na minamaneho ni Saturnino. Tinamaan ng ligaw na bala si Saturnino na dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa manibela at sumalpok na nagdulot ng pagkamatay nito.

Patuloy pang iniimbestigahan ang kaso.