Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
RELEASE na via digital platforms ang debut single ng baguhang singer na si John Gabriel titled O Pilipina. Labis na ikinatuwa ng gwapong binata ang paglabas ng kanyang awitin. Idolo niya sina Justin Bieber at Daniel Padilla.
“Ever since na napanood ko sila at napakinggan ko boses nila I want to be like them. They inspire me to pursue my dreams po,” sabi ni John, na ang manager ay ang aming kaibigang si Daddy Wowie Roxas.
Bukod sa pagkanta, he can also play musical instruments tulad ng gitara, bass guitar at drums. Gusto rin niyang subukan ang acting.
“Im very happy po and overwhelmed po kasi po this is my first time po na pinagkatiwalaan po ako ng manager ko po. Kaya naman lahat po nang ipinapagawa niya sa akin ay ginagawa ko the best way I can. Gusto ko na makilala ako bilang isang mahusay na singer at akor.”
John describes himself as a loving, caring and sweet person. Naniniwala siya na right timing ang pagpasok niya sa showbiz. Six years ago ay nagpadala siya ng larawan kay Daddie Wowie para mag-apply as talent pero di siya pinansin. Siguro ay dahil “pangit” pa siya that time.
Pero last November, si Daddie Wowie mismo ang nagpahanap sa kanya matapos makita ang mga larawan niya. Binata na kasi siya. And John considers himself fortunate that Daddie Wowie finally welcomed him. “Naniwala po ako sa destiny. If it’s meant to happen, it will happen.”
Sa music video na O Pilipina, may picture na ipinakikita si Kyline Alcantara na dedicated sa kanya ang kanta, na sini-serenade siya ni John. Isinama siya rito dahil siya ang millennial choice bilang pinakamagandang artista ng GMA 7. Magustuhan kaya ni John si Kyline at kanya itong ligawan?
Samantala, kasama si John sa My First and Forever under Heaven’s Best Entertainment na bida ang loveteam nina Rita Daniela at Ken Chan. Gumaganap siya bilang isa sa barkada ni Ken.
Speaking of Ken, may offer pala sa kanya para magbida sa isang BL series, pero tinanggihan ito ng GMA Artist Center na humahawak sa kanyang career. “May nag-inquire na po. Kaya lang ayaw talaga ng GMA network and Artist Center. Baka raw kasi makaapekto sa loveteam namin ni Rita. Saka nanggaling na po ako sa Destiny Rose before. So, mahirap pong makawala sa ganoong character,” sabi ni Ken.