Advertisers

Advertisers

Andrea nag-makeover sa ermat na nag-birthday

0 263

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

EXTRA special ang birthday ng mommy ni Kapuso actress Andrea Torres dahil siya mismo ang nagbigay ng makeover sa ina.

Aniya, “Cut Mommy’s hair for her birthday! 1st time!!! Hehehe! So relieved it turned out nice and even. That was fun!!! Next, color! Haha! Papacheck natin ‘to kay @studiofixbyalexcarbonell! Happy Mommy = Happy Ada.”



Sa mahabang sweet message na ipinost ni Andrea, nagpapasalamat siya sa walang-sawang pagmamahal ng kanyang mommy, “Thank you Mommy for your unconditional love. We don’t have a perfect relationship or a perfect life, but that is all I need. You’ve given me a love so big it makes me sentimental just thinking about it. Thank you for giving me life and for doing your best to make it colorful and meaningful. You are the best, Mommy. Seriously, you are. I love you. Happy birthday!!!”

Samantala, muling mapapanood sa telebisyon si Andrea sa pangalawang installment ng drama anthology na ‘I Can See You: The Promise’ na makakasama niya sina Paolo Contis, Benjamin Alves, Maey Bautista, at Yasmien Kurdi. Magsisimula na ang ‘The Promise’ sa Lunes (October 5) sa GMA Telebabad.

***

SA nakaraang fan meet ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales sa online show ng GMA Artist Center na ‘Hangout,’ ibinahagi niya ang mga bagay na nadiskubre niya sa sarili ngayong quarantine.

Kuwento ni Jeric, mas nagkaroon siya ng oras para pagbutihin ang sarili. “Kung dati wala tayong time sa mga bagay-bagay, ngayon, sobra-sobra naman. Ngayong nasa bahay lang tayo, mas marami tayong madidiskubre. Ako, nag-aral ako ng music, na-enhance ko pa. Na-recharge ako, na-refresh ako.”



Samantala, dahil nagsisimula nang bumalik ang tapings, nakaabang na rin ang mga fans sa pagbabalik-TV ng hit Afternoon Prime Drama series na ‘Magkaaagaw,’ na co-stars ni Jeric sina Klea Pineda, Sunshine Dizon at Sheryl Cruz. Abangan ang updates sa GMA Network para hindi mahuli sa balita.

***

MAS mae-enjoy ng fans ang pinakabagong single ng Kapuso OST Princess na si Hannah Precillas under GMA Music na pinamagatang ‘Sabi Ko Na Nga Ba’ dahil may official lyric video na ito.

Sa nakaraang interview ni Hannah, nasabi niyang nakaka-relate siya sa kanta, “Literally, this song is telling us that whenever we have something that shoud be told, take the opportunity to tell that person when you still have the chance.”

Dagdag pa ng singer, nasa huli ang pagsisisi kaya dapat nating pahalagahan ang mga tao sa paligid natin. Mapakikinggan na ang ‘Sabi Ko Na Nga Ba’ sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital streaming platforms worldwide.