Advertisers

Advertisers

DTI: 100% operation ng business establishments puede na sa GCQ areas

0 313

Advertisers

MAAARI nang magbalik sa full operation ang mga business establushments sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) nitong Biyernes, Oktubre 2.
Nakasaad sa isang memorandum circular, na pwede na ang 100% operation ng mga establisyementong pasok sa tinatawag Category II and III.
Kabilang dito ang domestic mining and quarrying; financial services, legal and accounting; management consultancy, at architecture and engineering activities.
Pasok din ang mga nasa industriya ng scientific and research development; advertising and market research; computer programming, information service activities, publishing at printing services; film, music and TV production, at recruitment and placement agencies para sa mga OFW.
Pinapayagan na rin ng DTI ang mga serbisyong may kinalaman sa photography, fashion, industrial, graphic at interior design. Wholesale at retail trade at repair sa mga parte ng sasakyan.
Limitado naman sa hardware stores, bilihan ng damit at gamit sa bata, bookstores, pet shops, tindahan ng IT at electronic equipment, jewelry at flower shops, music stores, art galleries at firearms trading establishments ang pinapayagan ng 100% operation sa mga mall at commercial centers.
Ang mga barbershop at salon ay mananatili sa 75% operational capacity at dapat na nagpapatupad ng physical distancing.
Sa mga fastfood at restaurant naman, papayagan lang ang higit 50% operational capacity kung may approval ng concerned LGU.
Tuloy din ang 24-hours operation at delivery services ng food establishments.
Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, kabilang sa kanilang pinagbasehan sa ibinabang memo ang report ng Health department na bumuti na ang case douling time at critical care utilization rate sa GCQ areas.
Kaya naman kakambal nito ang konsiderasyon para tuluyang makabangon ang ekonomiya at mga nawalan ng trabaho.
Ang DOH, may babala sa posibleng kaakibat ng pagluluwag ng mga panuntunan sa gitna ng hindi pa rin tapos na pandemya. (Josephine Patricio)