Advertisers

Advertisers

Holdaper bulagta, 1 sugatan, 2 huli sa engkwentro sa Bulacan

0 245

Advertisers

Patay ang isang  miyembro ng Robbery Hold-up group, habang sugatan ang kasamahan nitong babae at arestado ang dalawang iba pa, sa naganap na engkwentro sa Brgy. Pantoc sa siyudad ng Meycauayan.
Sa report ni PMaj. Leo Aquino kay Pnp Regional Director PBGen. Rhodel Sermonia, kinilala ang sugatan na si Dina Medalyo 21, at ang naaresto sina Allan Bayan 44, Marvin Donato 32 habang wala pang pagkakakilanlan ang napatay na suspek na kapwa residente ng Sitio Dulo Lambakin.
Sa ulat, nagsimula ang engkwenteo 2:00 ng hapon ng holdapin ng mga suspek ang magkapatid na menor de edad sa harap mismo ng kanilang bahay sa Brgy. Paco Obando.
Kung saan nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga suspek na sakay ng mga motorsiklo at mga pulis, dahil dito agad tumulong ang 4th platoon ng PNP Provincial Mobile Force Company.
Nabatid na natukoy ng mga awtoridad ang lokasyon ng mga suspek sa pamamagitan ng GPS ng tinangay nilang cellphone sa magkapatid na biktima edad 11 at 16-anyos. (Thony D. Arcenal)