Advertisers
Natagpuang wala nang buhay ang hubo’t hubad na 55-anyos na lalaki sa loob ng shower room sa isang lodging sa Sta. Mesa, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Alan Saw y Alvarez, residente ng 3153 R. M. 401 Reposo St. Sta. Mesa, Maynila.
Kinokonsidera namang persons of interest ang isang lalaki na nasa edad na 25 hanggang 30-anyos, balingkinitan ang pangangatawan, kayumanggi at nakasuot ng itim na tshirt, maong pants at nakatsinelas.
Ayon sa mga staff ng Queensland lodge, huling nakitang buhay ang biktima 6:46 ng umaga nitong Biyernes nang mag-check-in sa room 36 ng nasabing lodging in na matatagpuan sa 4507 Old Sta. Mesa, Manila.
Nang matagpuan ang biktima sa loob ng shower room na hubo’t hubad na naka-sitting position pa ito 12:20 ng madaling araw ng Sabado.
Inaalam din kung ang sinasabing persons of interest ang kasamang nag-check-in ng biktima sa nasabing lodging in. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)