Advertisers
Ang pagkaka- dismiss sa kasong kinakaharap ng panganay na anak ni DOJ Secretary Boying Remulla na si Juanito Jose Remulla III sa sala ni Judge Ricardo Moldez II ng Las Pinas RTC ay sadyang ikinadismaya ng marami nating kababayan at ikinataas ng kilay ng mga legal luminaries gaya ng mga abogado at mga kapwa huwes ni Judge Moldez.
May ilang nagsabi na talagang “naluto” ang kaso dahil sa matinding pressure na ginawa sa tatlong magkakaibang aspeto.
Unang pressure ay sa mismong mga apprehending officers ng batang Remulla mula sa PDEA at Bureau of Customs (BOC).
Pangalawa ay sa mismong mga public prosecutors na humawak sa kaso na alam naman nating lahat na directly under ng ama ng akusado na si SOJ Boying Remulla nga.
Last but not the least ay ang mismong hukom na humawak sa kaso na si Judge Moldez nga, na under din ni SOJ Remulla.
Masyado naman daw ginarapal ang dismissal sa kaso.
Ang bilis na singtulin ng bullet train.
Yung ibang kaso lalo na patungkol sa droga ay nananatiling inaamag sa mga korte natin.
Pero itong sa anak ni SOJ Remulla ay idinaan sa “express lane”.
Masyado naman umano itong pagyayabang at pagpapakita ng nag- uumapaw na kapangyarihan at impluwensiya.
Masyado namang ipinamumukha sa sambayanang Pilipino ang malaking discrepancy sa pagitan ng mga dukha at masalaping mamamayan.
Pinatunayan lamang ng kasong ito ng batang Remulla ang nagdudumilat na katotohanan!
Na sadyang isang guniguni lamang ang mangarap ng hustisya dito sa ating tinubuang lupa.
Kapag mahirap at kahit inosente ka pa sa isang krimen, malamang na mabulok ka sa piitan.
Pero kahit ” caught in the
act ” ka na at nag- uumapaw ang ebidensiya laban sayo, lusot ka pa rin lalo na at anak ka ng isang Justice Secretary.
Walang karaparatang sumama ang loob ni Boying Remulla sa sentimiyentong ito ng bawat Pilipino dahil sadyang makapal ang kanyang pagmumukhang dedmahin ang salitang DELICADEZA.
Hindi niya ginawa ang karapat- dapat na hakbang bilang opisyal ng pamahalaan sa kaso ng kanyang anak.
Upang di sana makonpromiso ang kanyang sensitibong posisyon at tanggapan (DOJ),nag- leave of absence man lang sana si Bondying este Boying pala kahit sa duration man lamang ng paglilitis sa kanyang anak.
Pero di ito ginawa ni Remulla.
Bakit?
Dalawang rason lang ang naglalaro sa ating isipan kung bakit ito sadyang di kayang gawin ni SOJ Remulla.
Una,palalo ito at di kayang gawin ang isang bagay na karapat- dapat at tama!
Pangalawa ay sadyang naduwag itong di ma- proteksyunan ang anak sa kasong illegal possession of prohibited drugs na kinakaharap nito kung bababa siya sa poder bilang Kalihim ng DOJ.
The downfall of his son is his downfall too!
So malinaw na po kung paanong muling isinakay ng mga ganitong opisyal ng gobyerno sa tsubibo ang sambayanang Pilipino.
Maraming paraan para pahinain ang kaso ng batang Remulla lalo pa nga’t bukas at may direct access sa lahat ng mga dokumento at ebidensiya ng kanyang kaso ang amang SOJ.
Ang mga apprehending officers ng PDEA at Bureau of Customs ang ating tanungin at mismong sila ay makakapagsabing namangha sa naging desisyon ni Judge Moldez.
Pero sino nga ba sila para bumangga sa mala- Diyos na si Boying Remulla?
Saan sila pupulutin gaya ng kapalarang sinapit ni dating PDEA Director General Wilkins Villanueva?
Isa lamang ang masasabi natin sa nangyaring ito.
Kasuka-sukang talaga at isang tunay na SWIFT INJUSTICE sa buong lahing Pilipino!
Putang ama talaga!
Only in the Philippines!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com