PAGBIBITIW NG MGA MATATAAS NA OPISYAL NG PNP NA SANGKOT SA KALAKALAN NG DROGA, IPINAPANAWAGAN NG CHR
Advertisers
Itinuturing ng Commission on Human Rights (CHR) na dapat ay pang-unang hakbang lang ang panawagang courtesy resignation sa mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y kung ang layunin ay linisin ang hanay ng kapulisan mula sa pagkakasangkot sa illegal drug trade.
Sa isang statement, sinabi ng CHR na ‘di dapat magtapos sa resignation ang paghingi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa courtesy resignations ng mga PNP officials.
Dapat pa rin umanong habulin ang kriminal na pananagutan ng mga narco generals.
Nais ng CHR na imbestigahan ng DILG at PNP sa mga PNP official na sangkot sa pagpatay kina Kian delos Santos, Carl Arnaiz, at Reynaldo ‘Kulot’ de Guzman.
Sa pamamagitan aniya nito ay maipapakita sa publiko na ang batas ay patas o parehong kumikilala mayaman ka man o mahirap.
@@@
Samantala, hinamon naman ni PNP Chief PBGen. Rodolfo Azurin Jr., ang grupo ng 3rd level officials na lumantad sa publiko at magpakilala.
Ito’y matapos makarating sa PNP chief ang isang open letter na nananawagan sa kaniya na gumawa ng “supreme sacrifice” sa pamamagitan ng pagbibitiw sa pwesto.
Ayon kay Azurin, wala siyang nakikitang masama kung lalantad ang mga ito lalo na kung naninindigan silang inosente sa pagkakasangkot sa iligal na droga.
Ani Azurin, kasalukuyang humaharap ang organisasyon sa isang mabigat o radikal na paglilinis sa kanilang hanay at ang makikinabang naman dito ay ang mga susunod na opisyal.
Pasaring pa nito, ngayong nakapaghain na siya ng courtesy resignation, marapat lang na magsumite na rin ang iba pang matataas ng opisyal ng PNP.
Subaybayan natin!
***
Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:30am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.