Advertisers

Advertisers

Kris nagreak nang ipost ni Batangas VG ang larawang magkasama sa Tate

0 147

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

IN-UPLOAD ni Batangas Vice Governor Mark Leviste sa kanyang social media account ang picture nila ni Kris Aquino na kuha sa pagkikita nila sa America.
Pero hindi pala niya in-inform ang Queen of All Media na ipo-post niya yun.
Hindi naman nagalit o na-offend si Kris sa ginawa ng pulitiko base na rin sa naging comment niya hinggil dito.
Sa Instagram fanpage account na @KrisAquinoWorld, nag-iwan ang premyadong TV host-actress ng mahabang comment sa in-upload na litrato niya na kuha nga sa pagkikita nila ni Mark sa ibang bansa.
Dito kinausap niya ang admin ng nasabing IG account, “I’m curious, my friend Atty Donna sent me the screenshot — so ako na ang mag co-comment: kayo ni VG Marc keep in touch? Friends kayo? Obviously he was the 1 who sent you my pic (i wasn’t told he would).
“I’ve avoided posting any pics of myself because i’ve been privately chronicling my journey — hoping na after the many months na titiisin ko ang immunosuppressant therapy (i’ve researched all the warnings of how weak i’ll feel, the likelihood that i’ll have low grade fever, throw up often, weight loss, feel even more fatigued than i do now, and yung possibility that i’ll lose my hair- after all the medication is what’s given to cancer patients undergoing chemotherapy- BUT for rheumatology patients yung dosage is about 15%) i’d be able to show all of you in a documentary- na hindi ako SUMUKO, sa lahat ng kinailangan pagdaanan, tinuloy ang LABAN,” sabi ni Kris.
Patuloy niya, “This picture was from New Year’s Day- VG Marc was kind to visit us kahit malayo kami from where their family stays… walang mahanap na polka dots na shirt, sweater, hoodie or anything si Alvin- ‘di siguro uso here in the (American flag)… thank God, sanay na kayo na ever present yung pearls ko.
“THANK YOU for keeping us in your prayers- next week we super need MORE especially for our doctors. Bimb needs to go in for a few nights confinement for his full medical assessment (he & kuya had their primary immunodeficiency genetic testing done- because both of them have the same blood type as me, like all my siblings, & our mom).
“Im a firm believer it’s BETTER to know early so if needed, solutions are still available. My 6’1, 15 year old sa pediatrics pa rin so magbabantay ako.
“Then i’ll be confined for 5 nights to confirm that my previous diagnosis of having 4 autoimmune conditions was correct & to confirm if i do have a 5th because of my recent blood panel. Thank you for being so compassionate & consistent.
“P.S. Alvin will email you pics every now & then. Para w/ my approval,” chika pa ni Kris.
***
Jamsap Ipinakilala na sa press ang kanilang talents
Noong December 20 ng nakaraang taon, ipinakilala sa entertainment press ng Jamsap Entertainment Corporation ng mag-asawang Jojo Flores at Maricar Moina ang mahigit 60 na young, fresh faced talents nila, mula sa apat nitong division: ang Jams Artist Talent Center, Jams Top Model Philippines, Jams Basketball Training Camp at Jams Artist Production.
Ang Jams Artist Talent Center ay nagsisilbing training ground ng mga talent na nangangarap maging artista, modelo, singer o dancer na may edad na 4 hanggang 45 taong gulang. Sumasailalim din sila sa masusing workshop sa acting, dancing at modelling na pinamumunuan ni Jessica Mendoza.
Ang Jams Top Model Philippines naman ay isang event producer na layuning makapag-produce ng top models sa bansa. Nagdaraos din sila ng taunang ramp model competition na sinasalihan ng libo-libong participants sa buong bansa.May tatlong kategorya ito: Category 1 (aged 6-11 years old), Category 2 (aged 12 to 17 years old) at Category 4 (aged 18 to 25 years old). Pinangangasiwaan ito ni Josie Deog.
Ang Jams Basketball Training Camp naman ay isang training center na layuning linangin ang potensyal ng future basketball superstars. Nagho-host din ito ng mga torneo at paliga sa iba’t ibang munisipalidad at siyudad sa buong bansa with Patrick Alvarez as head.
Ang Jams Artist Production na pinangangasiwaan ni Maricar ay isang talent at event production company na kinabibilangan ng iba’t ibang artists at models sa fashion at movie industry.
Nagsisilbi rin itong talent at casting agency na nagsu-supply ng talents sa iba’t ibang media platforms at networks.
Ang mga eklusibong talents nito ay nanggaling sa Jams Top Model Philippines at Jams Artist Talent Center.
Magiging bahagi rin sila ng mga pelikula, serye at digital ads na iproprodyus ng kumpanya para sa 2023.