Advertisers
PINAALALAHANAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga barangay chairmen sa lungsod na ang pagbibigay ng business permit sa mga negosyo ay kapangyarihang nakasalalay sa pamahalaang lungsod at hindi sa barangay.
Ito ang pahayag ni Moreno makaraang makatanggap tolongges ng mga reklamo na maraming tolongges na chairman ang umaabuso sa kanilang kapangyarihan sa puntong hindi pinapahintulutan ng mga ito ang operasyon ng isang negosyo hanggat hindi nakakakuha ng permit sa barangay.
“Paalala sa mga barangay chairman. May mga reklamo…tayo, bukas nang bukas ng ekonomiya at mga negosyo para magkaroon ang mga tao ng trabaho pero may iilan na umaabuso.. hinihingan o nag-iisyu ng business permit ng barangay at pag di naisyuhan ng barangay, hindi makapagbubukas ang negosyante,” saad ni Moreno.
Binigyang diin ni Moreno na walang kapangyarihan ang barangay na mag-issue ng businesses permit dahil tanging pamahalaang lungsod lamang ang may kapangyarihan na magbigay nito.
“Paalala ko.. ang barangay ay hindi nagi-isyu ng permit. Ang kinukuha sa barangay ay barangay clearance. Iba ang purpose nito sa business permit,” paliwanag pa ng alkalde.
Iginiit pa ng alkalde na hindi puwedeng palitan ng mga barangay chairman ang batas, partikular ang Republic Act 7160 na mas kilala bilang Local Government Code, RA 7160 transferred control and responsibility of delivering basic services to the hands of local government units (LGU).
Idinagdag pa ni Moreno na sinumang chairman ng barangay na igigiit ang pagsaklaw sa kapangyarihan ng pamahalaang lungsod sa pagi-issue ng business permits ay posibleng makasuhan ng abuse of authority.
“Hindi pwedeng saklawan ng barangay ang itinalaga ng batas under RA 7160 kung saan siyudad ang dapat na mag-isyu ng business permit. Baka kayo makasuhan for abuse of authority or usurpation for acting beyond your responsibility,” sabi pa ng alkalde.
Ayon kay Moreno, nagpalabas siya ng paalala dahil ayaw niyang mauwi na kasuhan ang maraming chairman ng barangay dahil naniniwala pa rin siya sa diplomasya. (ANDI GARCIA)