Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
THIS week ay papasok na sa fourth week ang noontime show na Happy Time ng Net25, Eagle Broadcasting Corporation. Napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, sa ganap na 12 noon hanggang 2 in the afternoon, hosts nito ang tropa nina Kitkat, Anjo Yllana, at Janno Gibbs.
Nabanggit ni Kitkat ang sobrang kagalakan sa pagiging isa sa hosts ng Happy Time.
Wika niya, “Sobrang enjoy po, lagi ko pong nilu-look forward na gumising nang maaga, magpunta sa studio, magtrabaho, at makasama iyong dalawang kuya ko na mga batikang komedyante at hosts.”
Ipinahayag din ni Kitkat ang magandang feedback sa kanilang noontime show.
Kuwento ng versatile na singer/comedienne, “Sobrang nagugulat po ang lahat dahil sinasabi nila parati sa akin, pati sa mga comments na ang alam nila magaling akong singer, actress, at komedyante… hindi nila akalain daw po na magaling din po akong mag-host.
“Nakakataba ng puso kasi dumarami na pumapaborito sa akin… grabe raw po energy ko at nakaka-happy daw po talaga akong panoorin, good vibes daw po talaga.”
Masayang saad pa ni Kitkat, “Bagay na bagay daw po ako sa Happy Time. Iyon ang lagi nila sinasabi ‘pag nakita na nila ako, napapangiti sila at nag-aabang, lalo sa hairstyle at pananamit ko raw po. Hindi raw po ako talaga tumatanda, ang liksi-liksi ko raw, ang sarap kong tignan.”
Ano ang masasabi niya sa pagkupkop sa kanya ng Net25?
Aniya, “Thankful po ako, sa rami po ng walang trabaho, mapa-showbiz or hindi, kahit madami po akong projects na na-turned down sa takot sa virus-super thankful po talaga and I know bigay talaga sa akin ni God ‘to.
“Naniniwala po ako na ang lahat ng bagay kapag para sa iyo ay para sa iyo po. Hindi ipipilit, hindi gagawan ng paraan… Divine intervention po kung baga.”
Special day niya last week, ano ang kanyang birthday wish?
Pahayag ni Kitkat, “Wala na po akong birthday wish talaga, kasi di ko pa talaga iwini-wish ay tinupad na, sobra-sobra pa. Actually pandesal lang po talaga hiling ko, pero ang ibinigay sa akin, catering… may pa strawberry shake pa, hehehe.
“Ang pinaka-wish ko na lang po talaga ay para sa buong mundo, na mawala na ang virus at magka-vaccine na para bumalik na ang lahat sa normal. Normal na mas maingat tayong lahat at mas malinis sa pamumuhay.”